Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Kawikaan 16:1-9

Kawikaan 16:1-9 ASND

Nasa tao ang pagpaplano, ngunit ang PANGINOON ang nagpapasya kung magaganap ito o hindi. Inaakala natin na tama ang lahat ng ating ginagawa, ngunit ang PANGINOON lang ang makakapaghusga kung ano talaga ang ating motibo. Ipagkatiwala mo sa PANGINOON ang lahat ng iyong gagawin, at magtatagumpay ka. Ang lahat ay nilikha ng PANGINOON na mayroong layunin, kahit na nga ang masasama, itinalaga sila para sa kapahamakan. Kinasusuklaman ng PANGINOON ang mayayabang at tiyak na silaʼy parurusahan. Kung minamahal natin ang PANGINOON nang may katapatan, patatawarin niya ang ating mga kasalanan. Kung may takot tayo sa kanya nang may paggalang, makalalayo tayo sa kasamaan. Kapag kinalulugdan ng PANGINOON ang ating pamumuhay, kahit na ang ating kaaway ay gagawin niyang ating kaibigan. Mas mabuti ang kaunting halaga na pinaghirapan, kaysa sa malaking kayamanang galing sa masamang paraan. Ang tao ang nagpaplano, ngunit nasa PANGINOON ang kaganapan nito.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Kawikaan 16:1-9