Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA KAWIKAAN 1:8-19

MGA KAWIKAAN 1:8-19 ABTAG01

Anak ko, dinggin mo ang turo ng iyong ama, at huwag mong pabayaan ang aral ng iyong ina; sapagkat sila'y magandang korona sa iyong ulo, at mga kuwintas sa iyong leeg. Anak ko, kung ikaw ay akitin ng mga makasalanan, huwag kang pumayag. Kung kanilang sabihin, “Sumama ka sa amin, tayo'y mag-abang upang magpadanak ng dugo, ating tambangan nang walang dahilan ang walang sala; gaya ng Sheol, sila'y lunukin nating buháy, at buo, na gaya ng bumababa sa Hukay. Tayo'y makakasumpong ng lahat ng mamahaling bagay; ating pupunuin ng samsam ang ating mga bahay. Makipagsapalaran kang kasama namin; magkakaroon tayong lahat ng iisang supot”— anak ko, huwag kang lumakad sa daan na kasama nila; pigilin mo ang iyong paa sa kanilang landas. Sapagkat ang kanilang mga paa ay tumatakbo sa kasamaan, at sila'y nagmamadali sa pagbububo ng dugo. Sapagkat walang kabuluhang iladlad ang isang bitag, habang nakatingin ang ibon. Ngunit sila'y nag-aabang sa sarili nilang dugo, at tinatambangan ang sarili nilang buhay. Gayon ang pamamaraan ng lahat ng sakim sa pakinabang, ang buhay ng mga may-ari niyon ay kanyang inaagaw.