At nangyari, pagkatapos ng salot, nagsalita ang PANGINOON kay Moises at kay Eleazar na anak ng paring si Aaron, na sinasabi,
“Bilangin mo ang buong kapulungan ng mga anak ni Israel mula sa dalawampung taong gulang pataas ayon sa mga sambahayan ng kanilang mga ninuno, ang lahat sa Israel na may kakayahang makipagdigma.
Si Moises at ang paring si Eleazar ay nakipag-usap sa kanila sa mga kapatagan ng Moab sa tabi ng Jordan sa Jerico, na sinasabi,
“Bilangin ninyo ang bayan, mula sa dalawampung taong gulang pataas; gaya ng iniutos ng PANGINOON kay Moises. Ang mga anak ni Israel na umalis sa lupain ng Ehipto ay ang mga ito:
Si Ruben, ang panganay ni Israel. Ang mga anak ni Ruben: kay Hanoc, ang angkan ng mga Hanocitas; kay Fallu, ang angkan ng mga Falluita;
kay Hesron, ang angkan ng mga Hesronita; kay Carmi, ang angkan ng mga Carmita.
Ito ang mga angkan ng mga Rubenita at ang nabilang sa kanila ay apatnapu't tatlong libo pitong daan at tatlumpu.
Ang mga anak ni Fallu: si Eliab.
Ang mga anak ni Eliab ay sina Nemuel, Datan, at Abiram. Ito ang Datan at Abiram na pinili mula sa kapulungan na siyang naghimagsik laban kay Moises at laban kay Aaron sa pangkat ni Kora nang sila'y naghimagsik laban sa PANGINOON.
At ibinuka ng lupa ang kanyang bibig, at nilamon sila pati si Kora. Nang mamatay ang pangkat na iyon; noong panahong lamunin ng apoy ang dalawandaan at limampung tao, at sila'y naging isang babala.
Gayunma'y hindi namatay ang mga anak ni Kora.
Ang mga anak ni Simeon ayon sa kanilang mga angkan: kay Nemuel, ang angkan ng mga Nemuelita; kay Jamin, ang angkan ng mga Jaminita; kay Jakin, ang angkan ng mga Jakinita;
kay Zera, ang angkan ng mga Zeraita; kay Shaul, ang angkan ng mga Shaulita.
Ito ang mga angkan ng mga Simeonita, dalawampu't dalawang libo at dalawandaan.
Ang mga anak ni Gad ayon sa kanilang mga angkan: kay Zefon, ang angkan ng mga Zefonita; kay Hagui, ang angkan ng mga Haguita; kay Suni, ang angkan ng mga Sunita;
kay Ozni, ang angkan ng mga Oznita; kay Eri, ang angkan ng mga Erita;
kay Arod, ang angkan ng mga Arodita; kay Areli, ang angkan ng mga Arelita.
Ito ang mga angkan ng mga anak ni Gad ayon sa nabilang sa kanila, apatnapung libo at limang daan.
Ang mga anak ni Juda ay sina Er at Onan. Sina Er at Onan ay namatay sa lupain ng Canaan.
Ang mga anak ni Juda ayon sa kanilang mga angkan: kay Shela, ang angkan ng mga Shelaita; kay Perez, ang angkan ng mga Perezita; kay Zera, ang angkan ng mga Zeraita.
At ang mga naging anak ni Perez: kay Hesron, ang angkan ng mga Hesronita; kay Hamul, ang angkan ng mga Hamulita.
Ito ang mga angkan ni Juda ayon sa nabilang sa kanila, pitumpu't anim na libo at limang daan.
Ang mga anak ni Isacar ayon sa kanilang mga angkan: kay Tola, ang angkan ng mga Tolaita; kay Pua, ang angkan ng mga Puanita;
kay Jasub, ang angkan ng mga Jasubita; kay Simron, ang angkan ng mga Simronita.
Ito ang mga angkan ni Isacar ayon sa nabilang sa kanila, animnapu't apat na libo at tatlong daan.
Ang mga anak ni Zebulon ayon sa kanilang mga angkan: kay Sered, ang angkan ng mga Seredita: kay Elon, ang angkan ng mga Elonita; kay Jalel, ang angkan ng mga Jalelita.
Ito ang mga angkan ng mga Zebulonita ayon sa nabilang sa kanila, animnapung libo at limang daan.
Ang mga anak ni Jose ayon sa kanilang mga angkan: sina Manases at Efraim.
Ang mga anak ni Manases: kay Makir, ang angkan ng mga Makirita; at naging anak ni Makir si Gilead; kay Gilead, ang angkan ng mga Gileadita.
Ito ang mga anak ni Gilead: kay Jezer, ang angkan ng mga Jezerita; kay Helec, ang angkan ng mga Helecita;
kay Asriel, ang angkan ng mga Asrielita; kay Shekem, ang angkan ng mga Shekemita;
kay Semida, ang angkan ng mga Semidaita; at kay Hefer, ang angkan ng mga Heferita.
Si Zelofehad na anak ni Hefer ay hindi nagkaanak ng lalaki, kundi mga babae. Ang mga pangalan ng mga anak na babae ni Zelofehad ay Mahla, Noa, Hogla, Milca, at Tirsa.
Ito ang mga angkan ni Manases, at ang nabilang sa kanila ay limampu't dalawang libo at pitong daan.
Ito ang mga anak ni Efraim ayon sa kanilang mga angkan: kay Shutela, ang angkan ng mga Shutelaita; kay Beker, ang angkan ng mga Bekerita; kay Tahan, ang angkan ng mga Tahanita.
Ito ang mga anak ni Shutela: kay Heran, ang angkan ng mga Heranita.
Ito ang mga angkan ng mga anak ni Efraim ayon sa nabilang sa kanila, tatlumpu't dalawang libo at limang daan. Ito ang mga anak ni Jose, ayon sa kanilang mga angkan.
Ang mga anak ni Benjamin ayon sa kanilang mga angkan: kay Bela, ang angkan ng mga Belaita; kay Asbel, ang angkan ng mga Asbelita; kay Ahiram, ang angkan ng mga Ahiramita;
kay Sufam ang angkan ng mga Sufamita; kay Hufam, ang angkan ng mga Hufamita.
Ang mga anak ni Bela ay sina Ard at Naaman. Mula kay Ard, ang angkan ng mga Ardita; kay Naaman, ang angkan ng mga Naamanita.
Ito ang mga anak ni Benjamin ayon sa kanilang mga angkan; at ang nabilang sa kanila ay apatnapu't limang libo at animnaraan.
Ito ang mga anak ni Dan ayon sa kanilang mga angkan: kay Suham, ang angkan ng mga Suhamita. Ito ang mga angkan ni Dan ayon sa kanilang mga angkan.
Lahat ng mga angkan ng mga Suhamita, ayon sa nabilang sa kanila, ay animnapu't apat na libo at apatnaraan.
Ang mga anak ni Aser ayon sa kanilang mga angkan: kay Imna, ang angkan ng mga Imnaita; kay Isui, ang angkan ng mga Isuita; kay Beriah, ang angkan ng mga Beriahita.
Sa mga anak ni Beriah: kay Eber, ang angkan ng mga Eberita; kay Malkiel, ang angkan ng mga Malkielita.
At ang pangalan ng anak na babae ni Aser ay Sera.
Ito ang mga angkan ng mga anak ni Aser ayon sa nabilang sa kanila, limampu't tatlong libo at apatnaraan.
Ang mga anak ni Neftali ayon sa kanilang mga angkan: kay Jahzeel, ang angkan ng mga Jahzeelita; kay Guni, ang angkan ng mga Gunita.
Kay Jeser, ang angkan ng mga Jeserita; kay Shilem, ang angkan ng mga Shilemita.
Ito ang mga angkan ni Neftali ayon sa kanilang mga angkan at ang nabilang sa kanila ay apatnapu't limang libo at apatnaraan.
Ito ang bilang sa angkan ni Israel, animnaraan isang libo at pitong daan at tatlumpu.
At nagsalita ang PANGINOON kay Moises, na sinasabi,
“Sa mga ito hahatiin ang lupain bilang mana ayon sa bilang ng mga pangalan.
Sa marami ay magbibigay kayo ng maraming mana, at sa kaunti ay magbibigay kayo ng kaunting mana. Ang bawat isa ayon sa mga bilang sa kanya ay bibigyan ng kanyang mana.
Gayunman ay hahatiin ang lupain sa pamamagitan ng palabunutan: ang kanilang mamanahin ay ayon sa mga pangalan ng mga lipi ng kanilang mga ninuno.
Ayon sa palabunutan hahatiin ang kanilang mana, alinsunod sa dami o sa kaunti.
Ito ang mga nabilang sa mga Levita ayon sa kanilang mga angkan: kay Gershon, ang angkan ng mga Gershonita; kay Kohat, ang angkan ng mga Kohatita; kay Merari, ang angkan ng mga Merarita.
Ito ang mga angkan ni Levi: ang angkan ng mga Libnita, ang angkan ng mga Hebronita, ang angkan ng mga Mahlita, ang angkan ng mga Musita, ang angkan ng mga Korahita. At naging anak ni Kohat si Amram.
Ang pangalan ng asawa ni Amram ay Jokebed, na anak na babae ni Levi, na ipinanganak kay Levi sa Ehipto. Ipinanganak niya kay Amram sina Aaron at Moises, at si Miriam na kanilang kapatid na babae.
At naging anak ni Aaron sina Nadab, Abihu, Eleazar at Itamar.
Sina Nadab at Abihu ay namatay nang sila'y maghandog ng kakaibang apoy sa harap ng PANGINOON.
Ang nabilang sa kanila ay dalawampu't tatlong libo, lahat ng lalaki mula sa isang buwang gulang pataas: dahil hindi sila binilang kasama ng mga anak ni Israel, sapagkat sila'y hindi binigyan ng mana sa gitna ng mga anak ni Israel.
Ito ang mga nabilang ni Moises at ng paring si Eleazar, na bumilang ng mga anak ni Israel sa mga kapatagan ng Moab sa tabi ng Jordan sa Jerico.
Ngunit sa mga ito ay wala isa mang lalaki na ibinilang ni Moises at ng paring si Aaron, na bumilang ng mga anak ni Israel sa ilang ng Sinai.
Sapagkat sinabi ng PANGINOON tungkol sa kanila, “Sila'y tiyak na mamamatay sa ilang.” At walang natira kahit isang tao sa kanila, liban kay Caleb na anak ni Jefone, at kay Josue na anak ni Nun.