Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Bilang 26:1-65

Mga Bilang 26:1-65 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)

Pagkalipas ng salot, sinabi ni Yahweh kina Moises at Eleazar na anak ni Aaron, “Magsagawa ka ng isang sensus. Bilangin at ilista ninyo ang pangalan ng mga Israelita na maaaring isama sa hukbo upang makipagdigma, mula sa gulang na dalawampung taon pataas.” Dahil dito, tinipon nila ang mga pinuno sa kapatagan ng Moab, sa tabi ng Jordan, sa tapat ng Jerico. Binilang at inilista ang mga Israelita tulad ng iniutos ni Yahweh kay Moises. Ito ang listahan ng mga Israelitang umalis sa Egipto: Sa lipi ni Ruben na panganay ni Israel ay ang mga angkan nina Hanoc, Fallu, Hesron at Carmi. Ang mga angkang ito ang bumubuo sa lipi ni Ruben. Silang lahat ay 43,730. Ang anak ni Fallu ay si Eliab at ang mga anak ni Eliab ay sina Nemuel, Datan at Abiram. Sina Datan at Abiram, kasama ng pangkat ni Korah, ang nagpasimuno sa mga Israelita ng paghihimagsik laban kina Moises at Aaron, at kay Yahweh. Si Korah naman at ang kanyang 250 kasama ang nilamon ng lupa. Ang mga pangyayaring ito ay nagsilbing babala sa buong bayan. Gayunma'y hindi kasamang namatay ang mga anak ni Korah. Sa lipi naman ni Simeon ay ang mga angkan nina Nemuel, Jamin, Jaquin, Zera at Saul. Ang kabuuang bilang ng lipi ni Simeon ay 22,200. Sa lipi ni Gad ay ang mga angkan nina Zefon, Hagui, Suni, Ozni, Eri, Arod at Areli. Ang kabuuang bilang ng lipi ni Gad ay 40,500. Sa lipi naman ni Juda, hindi kabilang sina Er at Onan na namatay sa Canaan, ay ang mga angkan nina Sela, Fares, Zara, Hezron at Hamul. Ang kabuuang bilang sa lipi ni Juda ay 76,500. Sa lipi ni Isacar ay ang mga angkan nina Tola, Pua, Jasub at Simron. Lahat-lahat sa lipi ni Isacar ay 64,300. Sa lipi ni Zebulun ay ang mga angkan nina Sered, Elon at Jahleel. Silang lahat ay 60,500. Sa lipi ni Jose na may dalawang anak ay ang mga angkan nina Manases at Efraim. Sa lipi ni Manases ay ang angkan ni Maquir at ang anak nitong si Gilead. Ang angkan ni Gilead ay binubuo ng mga sambahayan nina Jezer, Helec, Asriel, Shekem, Semida, at Hefer. Si Zelofehad na anak ni Hefer ay hindi nagkaanak ng lalaki, kundi panay babae: sina Maala, Noa, Hogla, Milca at Tirza. Lahat-lahat sa angkan ni Manases ay 52,700. Sa lipi ni Efraim ay ang mga angkan nina Sutela, Bequer, at Tahan. Ito naman ang bumubuo sa angkan ni Sutela: si Eran at ang kanyang sambahayan. Ang kabuuang bilang sa lipi ni Efraim ay 32,500. Ito ang mga angkang nagmula sa lipi ni Jose. Sa lipi ni Benjamin ay ang mga angkan nina Bela, Asbel, Ahiram, Sufam, at Hufam. Ang bumubuo sa angkan ni Bela ay ang mga sambahayan nina Ard at Naaman. Lahat-lahat sa lipi ni Benjamin ay 45,600. Sa lipi ni Dan ay ang angkan ni Suham na ang kabuuang bilang ay 64,400. Sa lipi ni Asher ay ang mga angkan nina Imna, Isvi, at Beria. Ang angkan ni Beria ay binubuo ng mga sambahayan nina Heber at Malquiel. Si Asher ay may anak na babae na nagngangalang Sera. Lahat-lahat sa lipi ni Asher ay 53,400. Sa lipi ni Neftali ay ang mga angkan nina Jahzeel, Guni, Jezer at Silem. Lahat-lahat sa lipi ni Neftali ay 45,400. Ang kabuuang bilang ng mga Israelita ay 601,730. Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Hatiin mo ang lupain ayon sa laki ng bawat lipi. Malaki ang kaparte ng malaking lipi at maliit ang sa maliit na lipi. Ang kaparte ng bawat lipi ay ayon sa dami ng kanyang bilang. Ang lupain ay hahatiin sa pamamagitan ng palabunutan, sa pangalan ng bawat lipi. Ang pagtatakda ng kaparte ng bawat lipi ay dadaanin sa palabunutan.” Ang lipi naman ni Levi ay binubuo ng mga angkan nina Gershon, Kohat, at Merari. Kabilang din sa liping ito ang mga sambahayan ni Libni, Hebron, Mahli, Musi at Korah. Si Kohat ang ama ni Amram, na napangasawa ni Jocebed na kabilang din sa lipi ni Levi. Isinilang si Jocebed sa Egipto. Naging anak nila sina Aaron, Moises at Miriam. Naging anak naman ni Aaron sina Nadab, Abihu, Eleazar at Itamar. Sina Nadab at Abihu ay namatay nang sila'y gumamit ng apoy na di karapat-dapat kay Yahweh. Lahat-lahat, ang natala sa lipi ni Levi ay 23,000, mula sa gulang na isang buwan pataas. Sila'y hindi kabilang sa talaan ng Israel sapagkat hindi sila kasama sa paghahati ng lupain. Ito ang mga Israelitang binilang at inilista ni Moises at ng paring si Eleazar sa kapatagan ng Moab, sa tabi ng Jordan, sa may tapat ng Jerico. Dito'y walang kasama isa man sa mga Israelitang itinala nina Moises at Aaron noong sila'y nasa Bundok ng Sinai. Ang mga ito'y namatay, liban kina Caleb na anak ni Jefune at Josue na anak ni Nun, tulad ng sinabi ni Yahweh.

Mga Bilang 26:1-65 Ang Salita ng Dios (ASND)

Pagkatapos ng salot, sinabi ng PANGINOON kina Moises at Eleazar na anak ng paring si Aaron, “Isensus ninyo ang buong mamamayan ng Israel ayon sa kanilang pamilya – lahat ng may edad na 20 taon pataas na may kakayahan sa paglilingkod bilang sundalo ng Israel.” Kaya nakipag-usap sina Moises at Eleazar na pari sa mga Israelita roon sa kapatagan ng Moab sa tabi ng Jordan malapit sa Jerico. Sinabi niya sa kanila, “Isensus ninyo ang mga taong may edad na 20 taon pataas, ayon sa iniutos ng PANGINOON kay Moises.” Ito ang mga Israelitang lumabas sa Egipto: Ang mga lahi ni Reuben na panganay na anak ni Jacob, ay ang mga pamilya nina Hanoc, Palu, Hezron at Carmi. Sila ang mga pamilyang nanggaling kay Reuben; 43,730 silang lahat. Ang anak ni Palu ay si Eliab, at ang mga anak ni Eliab ay sina Nemuel, Datan at Abiram. Itong sina Datan at Abiram ay ang mga pinuno ng kapulungan na sumama kay Kora sa pagrerebelde sa PANGINOON sa pamamagitan ng paglaban kina Moises at Aaron. Pero nilamon sila ng lupa kasama ni Kora, at nasunog ng apoy ang kanyang 250 tagasunod. At naging babala sa mga Israelita ang pangyayaring ito. Pero hindi namatay ang mga anak ni Kora. Ang mga lahi ni Simeon ay ang mga pamilya nina Nemuel, Jamin, Jakin, Zera at Shaul. Sila ang mga pamilyang nanggaling kay Simeon; 22,200 silang lahat. Ang mga lahi ni Gad ay ang mga pamilya nina Zefon, Haggi, Shuni, Ozni, Eri, Arod at Areli. Sila ang mga pamilya na nanggaling kay Gad; 40,500 silang lahat. May dalawang anak na lalaki si Juda na sina Er at Onan, na namatay sa lupain ng Canaan. Pero may mga lahi rin naman si Juda na siyang pamilya nina Shela, Perez at Zera. Ang mga angkan ni Perez ay ang pamilya nina Hezron at Hamul. Sila ang mga pamilyang nanggaling kay Juda; 76,500 silang lahat. Ang mga lahi ni Isacar ay ang mga pamilya nina Tola, Pua, Jashub at Shimron. Sila ang mga pamilyang nanggaling kay Isacar; 64,300 silang lahat. Ang mga lahi ni Zebulun ay ang mga pamilya ni Sered, Elon at Jaleel. Sila ang mga pamilyang nanggaling kay Zebulun; 60,500 silang lahat. Ang mga lahi ni Jose ay nanggaling sa dalawa niyang anak na sina Manase at Efraim. Ang mga lahi ni Manase ay ang mga pamilya ni Makir at ang anak nitong si Gilead. Ang mga angkan ni Gilead ay ang mga pamilya nina Iezer, Helek, Asriel, Shekem, Shemida at Hefer. Ang anak ni Hefer na si Zelofehad ay walang anak na lalaki, pero may mga anak siyang babae na sina Mahlah, Noe, Hogla, Milca at Tirza. Sila ang mga pamilyang nanggaling kay Manase; 52,700 silang lahat. Ang mga lahi naman ni Efraim ay ang mga pamilya nina Shutela, Beker, Tahan. Ang mga angkan ni Shutela ay ang mga pamilya ni Eran. Sila ang mga pamilya na nanggaling kay Efraim; 32,500 silang lahat. Ito ang mga pamilyang nanggaling kina Manase at Efraim na mga lahi ni Jose. Ang mga lahi ni Benjamin ay ang sambahayan nina Bela, Ashbel, Ahiram, Shufam at Hufam. Ang mga angkan ni Bela ay ang mga pamilya nina Ard at Naaman. Sila ang mga pamilya na nanggaling kay Benjamin; 45,600 silang lahat. Ang mga lahi ni Dan ay ang mga pamilya ni Shuham. Shuhamita ang lahat ng lahi ni Dan; at 64,400 silang lahat. Ang mga lahi ni Asher ay ang mga pamilya nina Imna, Ishvi at Beria. Ang mga angkan ni Beria ay ang mga pamilya nina Heber at ni Malkiel. (May anak na babae si Asher na si Sera.) Sila ang mga pamilyang nanggaling kay Asher; 53,400 silang lahat. Ang mga lahi ni Naftali ay ang mga pamilya nina Jazeel, Guni Jezer at Shilem. Sila ang mga pamilyang nanggaling kay Naftali; 45,400 silang lahat. Kaya ang kabuuang bilang ng mga lalaking Israelitang nasensus ay 601,730. Pagkatapos, sinabi ng PANGINOON kay Moises, “Hati-hatiin mo sa kanila ang lupa bilang mana nila ayon sa dami ng bawat lahi. Ang malaking lahi, bigyan ng mas malaki at ang maliit na lahi bigyan ng maliit. Ang lupain ay kailangang hatiin sa pamamagitan ng palabunutan para malaman kung aling bahagi ang makukuha ng malaki at maliit na angkan ayon sa sensus.” Ang mga Levita ay ang mga pamilya nina Gershon, Kohat at Merari. At sa kanila nanggaling ang mga pamilya nina Libni, Hebron, Mahli, Mushi at Kora. Si Kohat ang panganay ni Amram; at ang asawa ni Amram ay si Jochebed na mula naman sa pamilya ng mga Levita. Ipinanganak si Jochebed sa Egipto. Sina Amram at Jochebed ang mga magulang nina Aaron, Moises at Miriam. Si Aaron ang ama nina Nadab, Abihu, Eleazar at Itamar. Pero namatay sina Nadab at Abihu nang gumamit sila ng apoy na hindi dapat gamitin sa kanilang paghahandog sa PANGINOON. Ang bilang ng mga lalaking Levita na may edad na isang buwan pataas ay 23,000. Hindi sila ibinilang sa kabuuang bilang ng mga Israelita dahil wala silang tinanggap sa lupaing minana ng mga Israelita. Ito ang lahat ng mga Israelitang sinensus ni Moises at ng paring si Eleazar doon sa kapatagan ng Moab sa tabi ng Jordan malapit sa Jerico. Wala ni isang natira sa mga kasama sa naunang sensus na ginawa nina Moises at Aaron sa ilang ng Sinai. Sapagkat sinabi noon ng PANGINOON sa kanila na tiyak na mamamatay sila roon sa ilang, at walang makakaligtas sa kanila maliban lang kina Caleb na anak ni Jefune at Josue na anak ni Nun.

Mga Bilang 26:1-65 Ang Biblia (TLAB)

At nangyari, pagkatapos ng salot, na sinalita ng Panginoon kay Moises at kay Eleazar na anak ni Aaron na saserdote, na sinasabi, Bilangin mo ang buong kapisanan ng mga anak ni Israel mula sa dalawang pung taong gulang na patanda, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, yaong lahat na makalalabas sa Israel sa pakikibaka. At si Moises at si Eleazar na saserdote ay nakipagsalitaan sa kanila sa mga kapatagan ng Moab sa siping ng Jordan sa Jerico, na sinasabi, Bilangin ninyo ang bayan, mula sa dalawang pung taong gulang na patanda; gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises at sa mga anak ni Israel, na lumabas sa lupain ng Egipto. Si Ruben ang panganay ni Israel: ang mga anak ni Ruben; kay Hanoc, ang angkan ng mga Hanocitas; kay Phallu, ang angkan ng mga Palluita: Kay Hesron, ang angkan ng mga Hesronita; kay Carmi, ang angkan ng mga Carmita. Ito ang mga angkan ng mga Rubenita: at yaong nangabilang sa kanila, ay apat na pu't tatlong libo at pitong daan at tatlong pu. At ang mga anak ni Phallu; ay si Eliab. At ang mga anak ni Eliab; ay si Nemuel, at si Dathan, at si Abiram. Ito yaong Dathan at Abiram, na tinawag sa kapisanan na siya ngang nagsilaban kay Moises at kay Aaron, sa pulutong ni Core, nang sila'y lumaban sa Panginoon; At ibinuka ng lupain ang kaniyang bibig, at nilamon sila pati ni Core, nang mamatay ang pulutong na yaon; noong panahong lamunin ng apoy ang dalawang daan at limang pung tao, at sila'y naging isang tanda. Gayon ma'y hindi namatay ang mga anak ni Core. Ang mga anak ni Simeon ayon sa kanilang mga angkan; kay Nemuel, ang angkan ng mga Nemuelita: kay Jamin, ang angkan ng mga Jaminita: kay Jachin, ang angkan ng mga Jachinita; Kay Zera, ang angkan ng mga Zeraita; kay Saul, ang angkan ng mga Saulita. Ito ang mga angkan ng mga Simeonita, dalawang pu't dalawang libo at dalawang daan. Ang mga anak ni Gad ayon sa kaniyang mga angkan; kay Zephon, ang angkan ng mga Zephonita; kay Aggi, ang angkan ng mga Aggita; kay Suni, ang angkan ng mga Sunita; Kay Ozni, ang angkan ng mga Oznita; kay Eri, ang angkan ng mga Erita; Kay Arod, ang angkan ng mga Arodita; kay Areli, ang angkan ng mga Arelita. Ito ang mga angkan ng mga anak ni Gad ayon sa nangabilang sa kanila apat na pung libo at limang daan. Ang mga anak ni Juda, ay si Er at si Onan; at si Er at si Onan ay nangamatay sa lupain ng Canaan. At ang mga anak ni Juda ayon sa kaniyang mga angkan: kay Sela, ang angkan ng mga Selaita; kay Phares, ang angkan ng mga Pharesita; kay Zera, ang angkan ng mga Zeraita. At ang mga naging anak ni Phares: kay Hesron, ang angkan ng mga Hesronita; kay Hamul, ang angkan ng mga Hamulita. Ito ang mga angkan ni Juda ayon sa nangabilang sa kanila, pitong pu't anim na libo at limang daan. Ang mga anak ni Issachar ayon sa kanilang mga angkan: kay Thola, ang angkan ng mga Tholaita; kay Pua, ang angkan ng mga Puanita; Kay Jasub, ang angkan ng mga Jasubita; kay Simron, ang angkan ng mga Simronita. Ito ang mga angkan ni Issachar ayon sa nangabilang sa kanila, anim na pu't apat na libo at tatlong daan. Ang mga anak ni Zabulon ayon sa kanilang mga angkan: kay Sered, ang angkan ng mga Seredita: kay Elon, ang angkan ng mga Elonita: kay Jalel, ang angkan ng mga Jalelita. Ito ang mga angkan ng mga Zebulonita ayon sa nangabilang sa kanila, anim na pung libo at limang daan. Ang mga anak ni Jose ayon sa kanilang mga angkan: si Manases at si Ephraim. Ang mga anak ni Manases: kay Machir, ang angkan ng mga Machirita: at naging anak ni Machir si Galaad: kay Galaad, ang angkan ng mga Galaadita. Ito ang mga anak ni Galaad: kay Jezer, ang angkan ng mga Jezerita: kay Helec, ang angkan ng mga Helecita; At kay Asriel, ang angkan ng mga Asrielita: at kay Sechem, ang angkan ng mga Sechemita: At kay Semida, ang angkan ng mga Semidaita: at kay Hepher, ang angkan ng mga Hepherita. At si Salphaad na anak ni Hepher ay hindi nagkaanak ng lalake, kundi mga babae: at ang mga pangalan ng mga anak na babae ni Salphaad ay Maala, at Noa, Hogla, Milca, at Tirsa. Ito ang mga angkan ni Manases; at yaong nangabilang sa kanila, ay limang pu at dalawang libo at pitong daan. Ito ang mga anak ni Ephraim ayon sa kanilang mga angkan: kay Suthala, ang angkan ng mga Suthalaita: kay Becher, ang angkan ng mga Becherita: kay Tahan, ang angkan ng mga Tahanita. At ito ang mga anak ni Suthala: kay Heran, ang angkan ng mga Heranita. Ito ang mga angkan ng mga anak ni Ephraim ayon sa nangabilang sa kanila, tatlong pu't dalawang libo at limang daan. Ito ang mga anak ni Jose, ayon sa kanilang mga angkan. Ang mga anak ni Benjamin ayon sa kanilang mga angkan: kay Bela, ang angkan ng mga Belaita; kay Asbel, ang angkan ng mga Asbelita: kay Achiram, ang angkan ng mga Achiramita; Kay Supham ang angkan ng mga Suphamita; kay Hupham, ang angkan ng mga Huphamita. At ang mga anak ni Bela ay si Ard at si Naaman: kay Ard, ang angkan ng mga Ardita: kay Naaman, ang angkan ng mga Naamanita. Ito ang mga anak ni Benjamin ayon sa kanilang mga angkan; at yaong nangabilang sa kanila ay apat na pu't limang libo at anim na raan. Ito ang mga anak ni Dan ayon sa kanilang mga angkan: kay Suham, ang angkan ng mga Suhamita. Ito ang mga angkan ni Dan ayon sa kanilang mga angkan. Lahat ng mga angkan ng mga Suhamita, ayon sa nangabilang sa kanila, ay anim na pu't apat na libo at apat na raan. Ang anak ni Aser ayon sa kanilang mga angkan: kay Imna, ang angkan ng mga Imnaita: kay Issui, ang angkan ng mga Issuita, kay Beria, ang angkan ng mga Beriaita. Sa mga anak ni Beria: kay Heber, ang angkan ng mga Heberita; kay Malchiel ang angkan ng mga Malchielita. At ang pangalan ng anak na babae ni Aser ay si Sera. Ito ang mga angkan ng mga anak ni Aser ayon sa nangabilang sa kanila, limang pu't tatlong libo at apat na raan. Ang mga anak ni Nephtali ayon sa kanilang mga angkan: kay Jahzeel ang angkan ng mga Jahzeelita: kay Guni, ang angkan ng mga Gunita. Kay Jeser, ang angkan ng mga Jeserita: kay Sillem, ang angkan ng mga Sillemita. Ito ang mga angkan ni Nephtali ayon sa kanilang mga angkan: at yaong nangabilang sa kanila, ay apat na pu't limang libo at apat na raan. Ito yaong nangabilang sa angkan ni Israel, anim na raan at isang libo at pitong daan at tatlong pu. At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi, Sa mga ito babahagihin ang lupain na pinakamana ayon sa bilang ng mga pangalan. Sa marami ay magbibigay kayo ng maraming mana, at sa kaunti ay magbibigay kayo ng kaunting mana: ang bawa't isa ayon sa mga bilang sa kaniya ay bibigyan ng kaniyang mana. Gayon ma'y babahagihin ang lupain sa pamamagitan ng sapalaran: ayon sa mga pangalan ng mga lipi ng kanilang mga magulang ay kanilang mamanahin. Ayon sa sapalaran babahagihin ang kanilang mana, alinsunod sa dami o kaunti. Ito yaong nangabilang sa mga Levita ayon sa kanilang mga angkan: kay Gerson, ang angkan ng mga Gersonita: kay Coath, ang angkan ng mga Coathita: kay Merari, ang angkan ng mga Merarita. Ito ang mga angkan ni Levi: ang angkan ng mga Libnita, ang angkan ng mga Hebronita, ang angkan ng mga Mahalita, ang angkan ng mga Musita, ang angkan ng mga Corita. At naging anak ni Coath si Amram. At ang pangalan ng asawa ni Amram ay Jochabed, na anak na babae ni Levi, na ipinanganak kay Levi sa Egipto: at ipinanganak niya kay Amram si Aaron at si Moises, at si Miriam na kapatid nila. At naging anak ni Aaron si Nadad at si Abiu, si Eleazar at si Ithamar. At si Nadab at si Abiu ay namatay nang sila'y maghandog ng ibang apoy sa harap ng Panginoon. At yaong nangabilang sa kanila ay dalawang pu't tatlong libo, lahat ng lalake mula sa isang buwang gulang na patanda: sapagka't sila'y hindi nangabilang sa mga anak ni Israel, sapagka't sila'y hindi binigyan ng mana sa gitna ng mga anak ni Israel. Ito yaong nangabilang ni Moises at ni Eleazar na saserdote, na bumilang ng mga anak ni Israel sa mga kapatagan ng Moab sa siping ng Jordan sa Jerico. Nguni't sa mga ito ay walang tao sa kanila, na ibinilang ni Moises at ni Aaron na saserdote, na bumilang ng mga anak ni Israel sa ilang ng Sinai. Sapagka't sinabi ng Panginoon tungkol sa kanila, Sila'y mamamatay na walang pagsala sa ilang. At walang natira kahi't isang tao sa kanila, liban kay Caleb na anak ni Jephone, at kay Josue na anak ni Nun.

Mga Bilang 26:1-65 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)

Pagkalipas ng salot, sinabi ni Yahweh kina Moises at Eleazar na anak ni Aaron, “Magsagawa ka ng isang sensus. Bilangin at ilista ninyo ang pangalan ng mga Israelita na maaaring isama sa hukbo upang makipagdigma, mula sa gulang na dalawampung taon pataas.” Dahil dito, tinipon nila ang mga pinuno sa kapatagan ng Moab, sa tabi ng Jordan, sa tapat ng Jerico. Binilang at inilista ang mga Israelita tulad ng iniutos ni Yahweh kay Moises. Ito ang listahan ng mga Israelitang umalis sa Egipto: Sa lipi ni Ruben na panganay ni Israel ay ang mga angkan nina Hanoc, Fallu, Hesron at Carmi. Ang mga angkang ito ang bumubuo sa lipi ni Ruben. Silang lahat ay 43,730. Ang anak ni Fallu ay si Eliab at ang mga anak ni Eliab ay sina Nemuel, Datan at Abiram. Sina Datan at Abiram, kasama ng pangkat ni Korah, ang nagpasimuno sa mga Israelita ng paghihimagsik laban kina Moises at Aaron, at kay Yahweh. Si Korah naman at ang kanyang 250 kasama ang nilamon ng lupa. Ang mga pangyayaring ito ay nagsilbing babala sa buong bayan. Gayunma'y hindi kasamang namatay ang mga anak ni Korah. Sa lipi naman ni Simeon ay ang mga angkan nina Nemuel, Jamin, Jaquin, Zera at Saul. Ang kabuuang bilang ng lipi ni Simeon ay 22,200. Sa lipi ni Gad ay ang mga angkan nina Zefon, Hagui, Suni, Ozni, Eri, Arod at Areli. Ang kabuuang bilang ng lipi ni Gad ay 40,500. Sa lipi naman ni Juda, hindi kabilang sina Er at Onan na namatay sa Canaan, ay ang mga angkan nina Sela, Fares, Zara, Hezron at Hamul. Ang kabuuang bilang sa lipi ni Juda ay 76,500. Sa lipi ni Isacar ay ang mga angkan nina Tola, Pua, Jasub at Simron. Lahat-lahat sa lipi ni Isacar ay 64,300. Sa lipi ni Zebulun ay ang mga angkan nina Sered, Elon at Jahleel. Silang lahat ay 60,500. Sa lipi ni Jose na may dalawang anak ay ang mga angkan nina Manases at Efraim. Sa lipi ni Manases ay ang angkan ni Maquir at ang anak nitong si Gilead. Ang angkan ni Gilead ay binubuo ng mga sambahayan nina Jezer, Helec, Asriel, Shekem, Semida, at Hefer. Si Zelofehad na anak ni Hefer ay hindi nagkaanak ng lalaki, kundi panay babae: sina Maala, Noa, Hogla, Milca at Tirza. Lahat-lahat sa angkan ni Manases ay 52,700. Sa lipi ni Efraim ay ang mga angkan nina Sutela, Bequer, at Tahan. Ito naman ang bumubuo sa angkan ni Sutela: si Eran at ang kanyang sambahayan. Ang kabuuang bilang sa lipi ni Efraim ay 32,500. Ito ang mga angkang nagmula sa lipi ni Jose. Sa lipi ni Benjamin ay ang mga angkan nina Bela, Asbel, Ahiram, Sufam, at Hufam. Ang bumubuo sa angkan ni Bela ay ang mga sambahayan nina Ard at Naaman. Lahat-lahat sa lipi ni Benjamin ay 45,600. Sa lipi ni Dan ay ang angkan ni Suham na ang kabuuang bilang ay 64,400. Sa lipi ni Asher ay ang mga angkan nina Imna, Isvi, at Beria. Ang angkan ni Beria ay binubuo ng mga sambahayan nina Heber at Malquiel. Si Asher ay may anak na babae na nagngangalang Sera. Lahat-lahat sa lipi ni Asher ay 53,400. Sa lipi ni Neftali ay ang mga angkan nina Jahzeel, Guni, Jezer at Silem. Lahat-lahat sa lipi ni Neftali ay 45,400. Ang kabuuang bilang ng mga Israelita ay 601,730. Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Hatiin mo ang lupain ayon sa laki ng bawat lipi. Malaki ang kaparte ng malaking lipi at maliit ang sa maliit na lipi. Ang kaparte ng bawat lipi ay ayon sa dami ng kanyang bilang. Ang lupain ay hahatiin sa pamamagitan ng palabunutan, sa pangalan ng bawat lipi. Ang pagtatakda ng kaparte ng bawat lipi ay dadaanin sa palabunutan.” Ang lipi naman ni Levi ay binubuo ng mga angkan nina Gershon, Kohat, at Merari. Kabilang din sa liping ito ang mga sambahayan ni Libni, Hebron, Mahli, Musi at Korah. Si Kohat ang ama ni Amram, na napangasawa ni Jocebed na kabilang din sa lipi ni Levi. Isinilang si Jocebed sa Egipto. Naging anak nila sina Aaron, Moises at Miriam. Naging anak naman ni Aaron sina Nadab, Abihu, Eleazar at Itamar. Sina Nadab at Abihu ay namatay nang sila'y gumamit ng apoy na di karapat-dapat kay Yahweh. Lahat-lahat, ang natala sa lipi ni Levi ay 23,000, mula sa gulang na isang buwan pataas. Sila'y hindi kabilang sa talaan ng Israel sapagkat hindi sila kasama sa paghahati ng lupain. Ito ang mga Israelitang binilang at inilista ni Moises at ng paring si Eleazar sa kapatagan ng Moab, sa tabi ng Jordan, sa may tapat ng Jerico. Dito'y walang kasama isa man sa mga Israelitang itinala nina Moises at Aaron noong sila'y nasa Bundok ng Sinai. Ang mga ito'y namatay, liban kina Caleb na anak ni Jefune at Josue na anak ni Nun, tulad ng sinabi ni Yahweh.

Mga Bilang 26:1-65 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)

At nangyari, pagkatapos ng salot, na sinalita ng Panginoon kay Moises at kay Eleazar na anak ni Aaron na saserdote, na sinasabi, Bilangin mo ang buong kapisanan ng mga anak ni Israel mula sa dalawang pung taong gulang na patanda, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, yaong lahat na makalalabas sa Israel sa pakikibaka. At si Moises at si Eleazar na saserdote ay nakipagsalitaan sa kanila sa mga kapatagan ng Moab sa siping ng Jordan sa Jerico, na sinasabi, Bilangin ninyo ang bayan, mula sa dalawang pung taong gulang na patanda; gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises at sa mga anak ni Israel, na lumabas sa lupain ng Egipto. Si Ruben ang panganay ni Israel: ang mga anak ni Ruben; kay Hanoc, ang angkan ng mga Hanocitas; kay Phallu, ang angkan ng mga Palluita: Kay Hesron, ang angkan ng mga Hesronita; kay Carmi, ang angkan ng mga Carmita. Ito ang mga angkan ng mga Rubenita: at yaong nangabilang sa kanila, ay apat na pu't tatlong libo at pitong daan at tatlong pu. At ang mga anak ni Phallu; ay si Eliab. At ang mga anak ni Eliab; ay si Nemuel, at si Dathan, at si Abiram. Ito yaong Dathan at Abiram, na tinawag sa kapisanan na siya ngang nagsilaban kay Moises at kay Aaron, sa pulutong ni Core, nang sila'y lumaban sa Panginoon; At ibinuka ng lupain ang kaniyang bibig, at nilamon sila pati ni Core, nang mamatay ang pulutong na yaon; noong panahong lamunin ng apoy ang dalawang daan at limang pung tao, at sila'y naging isang tanda. Gayon ma'y hindi namatay ang mga anak ni Core. Ang mga anak ni Simeon ayon sa kanilang mga angkan; kay Nemuel, ang angkan ng mga Nemuelita: kay Jamin, ang angkan ng mga Jaminita: kay Jachin, ang angkan ng mga Jachinita; Kay Zera, ang angkan ng mga Zeraita; kay Saul, ang angkan ng mga Saulita. Ito ang mga angkan ng mga Simeonita, dalawang pu't dalawang libo at dalawang daan. Ang mga anak ni Gad ayon sa kaniyang mga angkan; kay Zephon, ang angkan ng mga Zephonita; kay Aggi, ang angkan ng mga Aggita; kay Suni, ang angkan ng mga Sunita; Kay Ozni, ang angkan ng mga Oznita; kay Eri, ang angkan ng mga Erita; Kay Arod, ang angkan ng mga Arodita; kay Areli, ang angkan ng mga Arelita. Ito ang mga angkan ng mga anak ni Gad ayon sa nangabilang sa kanila apat na pung libo at limang daan. Ang mga anak ni Juda, ay si Er at si Onan; at si Er at si Onan ay nangamatay sa lupain ng Canaan. At ang mga anak ni Juda ayon sa kaniyang mga angkan: kay Sela, ang angkan ng mga Selaita; kay Phares, ang angkan ng mga Pharesita; kay Zera, ang angkan ng mga Zeraita. At ang mga naging anak ni Phares: kay Hesron, ang angkan ng mga Hesronita; kay Hamul, ang angkan ng mga Hamulita. Ito ang mga angkan ni Juda ayon sa nangabilang sa kanila, pitong pu't anim na libo at limang daan. Ang mga anak ni Issachar ayon sa kanilang mga angkan: kay Thola, ang angkan ng mga Tholaita; kay Pua, ang angkan ng mga Puanita; Kay Jasub, ang angkan ng mga Jasubita; kay Simron, ang angkan ng mga Simronita. Ito ang mga angkan ni Issachar ayon sa nangabilang sa kanila, anim na pu't apat na libo at tatlong daan. Ang mga anak ni Zabulon ayon sa kanilang mga angkan: kay Sered, ang angkan ng mga Seredita: kay Elon, ang angkan ng mga Elonita: kay Jalel, ang angkan ng mga Jalelita. Ito ang mga angkan ng mga Zebulonita ayon sa nangabilang sa kanila, anim na pung libo at limang daan. Ang mga anak ni Jose ayon sa kanilang mga angkan: si Manases at si Ephraim. Ang mga anak ni Manases: kay Machir, ang angkan ng mga Machirita: at naging anak ni Machir si Galaad: kay Galaad, ang angkan ng mga Galaadita. Ito ang mga anak ni Galaad: kay Jezer, ang angkan ng mga Jezerita: kay Helec, ang angkan ng mga Helecita; At kay Asriel, ang angkan ng mga Asrielita: at kay Sechem, ang angkan ng mga Sechemita: At kay Semida, ang angkan ng mga Semidaita: at kay Hepher, ang angkan ng mga Hepherita. At si Salphaad na anak ni Hepher ay hindi nagkaanak ng lalake, kundi mga babae: at ang mga pangalan ng mga anak na babae ni Salphaad ay Maala, at Noa, Hogla, Milca, at Tirsa. Ito ang mga angkan ni Manases; at yaong nangabilang sa kanila, ay limang pu at dalawang libo at pitong daan. Ito ang mga anak ni Ephraim ayon sa kanilang mga angkan: kay Suthala, ang angkan ng mga Suthalaita: kay Becher, ang angkan ng mga Becherita: kay Tahan, ang angkan ng mga Tahanita. At ito ang mga anak ni Suthala: kay Heran, ang angkan ng mga Heranita. Ito ang mga angkan ng mga anak ni Ephraim ayon sa nangabilang sa kanila, tatlong pu't dalawang libo at limang daan. Ito ang mga anak ni Jose, ayon sa kanilang mga angkan. Ang mga anak ni Benjamin ayon sa kanilang mga angkan: kay Bela, ang angkan ng mga Belaita; kay Asbel, ang angkan ng mga Asbelita: kay Achiram, ang angkan ng mga Achiramita; Kay Supham ang angkan ng mga Suphamita; kay Hupham, ang angkan ng mga Huphamita. At ang mga anak ni Bela ay si Ard at si Naaman: kay Ard, ang angkan ng mga Ardita: kay Naaman, ang angkan ng mga Naamanita. Ito ang mga anak ni Benjamin ayon sa kanilang mga angkan; at yaong nangabilang sa kanila ay apat na pu't limang libo at anim na raan. Ito ang mga anak ni Dan ayon sa kanilang mga angkan: kay Suham, ang angkan ng mga Suhamita. Ito ang mga angkan ni Dan ayon sa kanilang mga angkan. Lahat ng mga angkan ng mga Suhamita, ayon sa nangabilang sa kanila, ay anim na pu't apat na libo at apat na raan. Ang anak ni Aser ayon sa kanilang mga angkan: kay Imna, ang angkan ng mga Imnaita: kay Issui, ang angkan ng mga Issuita, kay Beria, ang angkan ng mga Beriaita. Sa mga anak ni Beria: kay Heber, ang angkan ng mga Heberita; kay Malchiel ang angkan ng mga Malchielita. At ang pangalan ng anak na babae ni Aser ay si Sera. Ito ang mga angkan ng mga anak ni Aser ayon sa nangabilang sa kanila, limang pu't tatlong libo at apat na raan. Ang mga anak ni Nephtali ayon sa kanilang mga angkan: kay Jahzeel ang angkan ng mga Jahzeelita: kay Guni, ang angkan ng mga Gunita. Kay Jeser, ang angkan ng mga Jeserita: kay Sillem, ang angkan ng mga Sillemita. Ito ang mga angkan ni Nephtali ayon sa kanilang mga angkan: at yaong nangabilang sa kanila, ay apat na pu't limang libo at apat na raan. Ito yaong nangabilang sa angkan ni Israel, anim na raan at isang libo at pitong daan at tatlong pu. At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi, Sa mga ito babahagihin ang lupain na pinakamana ayon sa bilang ng mga pangalan. Sa marami ay magbibigay kayo ng maraming mana, at sa kaunti ay magbibigay kayo ng kaunting mana: ang bawa't isa ayon sa mga bilang sa kaniya ay bibigyan ng kaniyang mana. Gayon ma'y babahagihin ang lupain sa pamamagitan ng sapalaran: ayon sa mga pangalan ng mga lipi ng kanilang mga magulang ay kanilang mamanahin. Ayon sa sapalaran babahagihin ang kanilang mana, alinsunod sa dami o kaunti. Ito yaong nangabilang sa mga Levita ayon sa kanilang mga angkan: kay Gerson, ang angkan ng mga Gersonita: kay Coath, ang angkan ng mga Coathita: kay Merari, ang angkan ng mga Merarita. Ito ang mga angkan ni Levi: ang angkan ng mga Libnita, ang angkan ng mga Hebronita, ang angkan ng mga Mahalita, ang angkan ng mga Musita, ang angkan ng mga Corita. At naging anak ni Coath si Amram. At ang pangalan ng asawa ni Amram ay Jochabed, na anak na babae ni Levi, na ipinanganak kay Levi sa Egipto: at ipinanganak niya kay Amram si Aaron at si Moises, at si Miriam na kapatid nila. At naging anak ni Aaron si Nadab at si Abiu, si Eleazar at si Ithamar. At si Nadab at si Abiu ay namatay nang sila'y maghandog ng ibang apoy sa harap ng Panginoon. At yaong nangabilang sa kanila ay dalawang pu't tatlong libo, lahat ng lalake mula sa isang buwang gulang na patanda: sapagka't sila'y hindi nangabilang sa mga anak ni Israel, sapagka't sila'y hindi binigyan ng mana sa gitna ng mga anak ni Israel. Ito yaong nangabilang ni Moises at ni Eleazar na saserdote, na bumilang ng mga anak ni Israel sa mga kapatagan ng Moab sa siping ng Jordan sa Jerico. Nguni't sa mga ito ay walang tao sa kanila, na ibinilang ni Moises at ni Aaron na saserdote, na bumilang ng mga anak ni Israel sa ilang ng Sinai. Sapagka't sinabi ng Panginoon tungkol sa kanila, Sila'y mamamatay na walang pagsala sa ilang. At walang natira kahi't isang tao sa kanila, liban kay Caleb na anak ni Jephone, at kay Josue na anak ni Nun.