Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA PANAGHOY 3:22-46

MGA PANAGHOY 3:22-46 ABTAG01

Ang tapat na pag-ibig ng PANGINOON ay hindi nagmamaliw, ang kanyang mga habag ay hindi natatapos; sariwa ang mga iyon tuwing umaga, dakila ang iyong katapatan. “Ang PANGINOON ay aking bahagi,” sabi ng aking kaluluwa; “kaya't ako'y aasa sa kanya.” Ang PANGINOON ay mabuti sa kanila na naghihintay sa kanya, sa kaluluwa na humahanap sa kanya. Mabuti nga na ang tao ay tahimik na maghintay para sa pagliligtas ng PANGINOON. Mabuti nga sa tao na pasanin ang pamatok sa kanyang kabataan. Maupo siyang mag-isa sa katahimikan kapag kanyang iniatang sa kanya; ilagay niya ang kanyang bibig sa alabok— baka mayroon pang pag-asa; ibigay niya ang kanyang pisngi sa mananampal, at mapuno siya ng pagkutya. Sapagkat ang Panginoon ay hindi magtatakuwil nang walang hanggan. Ngunit bagaman siya'y sanhi ng kalungkutan, siya'y mahahabag ayon sa kasaganaan ng kanyang tapat na pagmamahal; sapagkat hindi niya kusang pinahihirapan o ang mga anak ng mga tao ay sinasaktan man. Upang durugin sa ilalim ng paa ang lahat ng bihag sa lupa, upang sikilin ang karapatan ng tao sa harapan ng Kataas-taasan, upang ibagsak ang tao sa kanyang usapin, na hindi ito sinasang-ayunan ng Panginoon. Sino ang nagsasalita at ito ay nangyayari, malibang ito ay iniutos ng PANGINOON? Hindi ba sa bibig ng Kataas-taasan nagmumula ang masama at mabuti? Bakit magrereklamo ang taong may buhay, ang tao, tungkol sa parusa sa kanyang mga kasalanan? Ating subukin at suriin ang ating mga lakad, at manumbalik tayo sa PANGINOON! Itaas natin ang ating mga puso at mga kamay sa Diyos sa langit: “Kami ay sumuway at naghimagsik, at hindi ka nagpatawad. “Binalot mo ng galit ang iyong sarili at hinabol mo kami; na pumapatay ka nang walang awa. Binalot mo ng ulap ang iyong sarili upang walang panalanging makatagos. Ginawa mo kaming patapon at basura sa gitna ng mga bayan. “Ibinuka ng lahat naming mga kaaway ang kanilang bibig laban sa amin.