Mga Panaghoy 3:22-46
Mga Panaghoy 3:22-46 Ang Biblia (TLAB)
Sa mga kaawaan nga ng Panginoon ay hindi tayo nalipol, sapagka't ang kaniyang mga habag ay hindi nauubos. Ang mga yao'y bago tuwing umaga, dakila ang inyong pagtatapat. Ang Panginoon ay aking bahagi, sabi ng aking kaluluwa; kaya't ako'y aasa sa kaniya. Ang Panginoon ay mabuti sa kanila na nangaghihintay sa kaniya, sa kaluluwa na humahanap sa kaniya. Mabuti nga na ang tao ay umasa at maghintay na tahimik sa pagliligtas ng Panginoon. Mabuti nga sa tao na magpasan ng pamatok sa kaniyang kabataan. Maupo siyang magisa at tumahimik, sapagka't kaniyang iniatang sa kaniya. Sumubsob siya sa alabok, kung gayo'y magkakaroon siya ng pagasa. Ibigay niya ang kaniyang pisngi sa sumasakit sa kaniya; mapuspos siya ng kadustaan. Sapagka't ang Panginoon ay hindi magtatakuwil magpakailan man. Sapagka't bagaman siya'y nagpapapanglaw, gayon ma'y magpapakita siya ng habag ayon sa kasaganaan ng kaniyang mga kaawaan. Sapagka't siya'y hindi kusang dumadalamhati, o nagpapapanglaw man sa mga anak ng mga tao. Na yapakan sa ilalim ng paa ang lahat ng bihag sa lupa. Na iliko ang matuwid ng tao sa harap ng mukha ng Kataastaasan, Na iligaw ang tao sa kaniyang usap, hindi kinalulugdan ng Panginoon. Sino siya na nagsasabi, at nangyayari, kung hindi iniuutos ng Panginoon? Hindi baga sa bibig ng Kataastaasan nanggagaling ang masama't mabuti? Bakit dumadaing ang taong may buhay, ang tao dahil sa parusa sa kaniyang mga kasalanan? Ating usisain at suriin ang ating mga lakad, at manumbalik sa Panginoon. Igawad natin ang ating puso sangpu ng ating mga kamay sa Dios sa langit. Kami ay sumalangsang at nanghimagsik; ikaw ay hindi nagpatawad. Tinakpan mo ang iyong sarili ng galit at hinabol mo kami; ikaw ay pumatay, ikaw ay hindi naawa. Tinakpan mo ang iyong sarili ng alapaap, na anopa't hindi makadaan ang anomang panalangin. Iyong ginawa kaming parang tapon at dumi sa gitna ng mga bayan. Ibinukang maluwang ng lahat naming kaaway ang kanilang bibig laban sa amin.
Mga Panaghoy 3:22-46 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Pag-ibig mo, Yahweh, ay hindi nagmamaliw; kahabagan mo'y walang kapantay. Ito ay laging sariwa bawat umaga; katapatan mo'y napakadakila. Si Yahweh ay akin, sa kanya ako magtitiwala. Si Yahweh ay mabuti sa mga nananalig at umaasa sa kanya, kaya't pinakamainam ang buong tiyagang umasa sa ating kaligtasang si Yahweh ang may dala. At mabuti sa isang tao na siya'y matutong magtiyaga mula sa kanyang kabataan. Kung siya'y palasapin ng kahirapan, matahimik siyang magtiis at maghintay; siya'y magpakumbabá sa harapan ni Yahweh, at huwag mawalan ng pag-asa. Tanggapin ang lahat ng pananakit at paghamak na kanyang daranasin. Mahabagin si Yahweh at hindi niya tayo itatakwil habang panahon. Bagaman siya'y nagpaparusa, hindi naman nawawala ang kanyang pag-ibig. Hindi niya ikatutuwang tayo'y saktan o pahirapan. Hindi nalilingid kay Yahweh kung naghihirap ang ating kalooban, maging ang ating karapatan, kung tayo'y pagkaitan. Kung ang katarungan ay hayagang tinutuya, siguradong si Yahweh ay hindi magpapabaya. Walang anumang bagay na mangyayari, nang hindi sa kapahintulutan ni Yahweh. Nasa kapangyarihan ng Kataas-taasang Diyos ang masama at mabuti. Bakit tayo magrereklamo kapag tayo'y pinaparusahan kung dahil naman ito sa ating mga kasalanan? Siyasatin nati't suriin ang ating pamumuhay, at tayo'y manumbalik kay Yahweh! Dumulog tayo sa Diyos at tayo'y manalangin: “Kami'y nagkasala at naghimagsik, at hindi mo kami pinatawad. “Sa iyong matinding galit ay hinabol mo kami at walang awang pinatay. Ang galit mo'y tila makapal na ulap na hindi malampasan ng aming mga dalangin. Ginawa mo kaming tambakan ng kasamaan ng sanlibutan. “Kinukutya kami ng aming mga kaaway
Mga Panaghoy 3:22-46 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Dahil ang pag-ibig at awa ng PANGINOON ay walang katapusan kaya hindi tayo tuluyang nalipol. Araw-araw ay ipinapakita niya ang kanyang habag. Dakila ang katapatan ng PANGINOON! Kaya sinabi ko sa aking sarili, “Ang PANGINOON ang lahat para sa akin, kaya sa kanya ako nagtitiwala.” Mabuti ang PANGINOON sa mga nagtitiwalaʼt umaasa sa kanya. Mabuting matiyagang maghintay sa pagliligtas ng PANGINOON. Mabuti para sa isang tao na kahit bata pa ay matuto nang makipamatok at sumunod. Kapag tinuturuan tayo ng PANGINOON, tumahimik tayo at pag-isipan itong mabuti. Magpakumbaba tayo sa harap ng PANGINOON at huwag mawalan ng pag-asa. Kapag sinampal ka sa isang pisngi, ibigay mo pa ang kabila. At tanggapin mo rin ang pangungutya ng iyong mga kaaway. Dahil hindi tayo itatakwil ng Panginoon magpakailanman. Ngunit kahit nagpaparusa siya, ipinapakita pa rin niya ang kanyang habag at ang napakalakiʼt walang hanggan niyang pag-ibig sa atin. Dahil hindi siya natutuwa na tayoʼy saktan o pahirapan. Ayaw ng Panginoon na apihin ang mga bilanggo, o balewalain ang karapatan ng tao. Ayaw din ng Kataas-taasang Diyos na ipagkait ang katarungan sa sinumang tao. Nakikita niya ang lahat ng ito. Walang anumang bagay na nangyayari na hindi pinahihintulutan ng Panginoon. Hindi baʼt ang Kataas-taasang Diyos ang nagpapasya kung mangyayari ang isang bagay, mabuti man ito o masama? Kaya bakit tayong mga taoʼy magrereklamo kung pinarurusahan tayo dahil sa ating kasalanan? Ang dapat ay siyasatin natin ang ating pamumuhay at magbalik-loob sa PANGINOON. Buksan natin ang ating mga puso at itaas ang ating mga kamay sa Diyos na nasa langit at sabihin: “PANGINOON, nagkasala po kami at naghimagsik sa inyo, at hindi nʼyo kami pinatawad. “Nagalit kayo sa amin at inusig kami at walang awang pinatay. Tinakpan nʼyo ng mga ulap ang inyong sarili upang hindi nʼyo marinig ang aming mga panalangin. Ginawa nʼyo kaming parang basura sa paningin ng ibaʼt ibang bansa. “Kinutya kami ng lahat ng aming mga kaaway.
Mga Panaghoy 3:22-46 Ang Biblia (TLAB)
Sa mga kaawaan nga ng Panginoon ay hindi tayo nalipol, sapagka't ang kaniyang mga habag ay hindi nauubos. Ang mga yao'y bago tuwing umaga, dakila ang inyong pagtatapat. Ang Panginoon ay aking bahagi, sabi ng aking kaluluwa; kaya't ako'y aasa sa kaniya. Ang Panginoon ay mabuti sa kanila na nangaghihintay sa kaniya, sa kaluluwa na humahanap sa kaniya. Mabuti nga na ang tao ay umasa at maghintay na tahimik sa pagliligtas ng Panginoon. Mabuti nga sa tao na magpasan ng pamatok sa kaniyang kabataan. Maupo siyang magisa at tumahimik, sapagka't kaniyang iniatang sa kaniya. Sumubsob siya sa alabok, kung gayo'y magkakaroon siya ng pagasa. Ibigay niya ang kaniyang pisngi sa sumasakit sa kaniya; mapuspos siya ng kadustaan. Sapagka't ang Panginoon ay hindi magtatakuwil magpakailan man. Sapagka't bagaman siya'y nagpapapanglaw, gayon ma'y magpapakita siya ng habag ayon sa kasaganaan ng kaniyang mga kaawaan. Sapagka't siya'y hindi kusang dumadalamhati, o nagpapapanglaw man sa mga anak ng mga tao. Na yapakan sa ilalim ng paa ang lahat ng bihag sa lupa. Na iliko ang matuwid ng tao sa harap ng mukha ng Kataastaasan, Na iligaw ang tao sa kaniyang usap, hindi kinalulugdan ng Panginoon. Sino siya na nagsasabi, at nangyayari, kung hindi iniuutos ng Panginoon? Hindi baga sa bibig ng Kataastaasan nanggagaling ang masama't mabuti? Bakit dumadaing ang taong may buhay, ang tao dahil sa parusa sa kaniyang mga kasalanan? Ating usisain at suriin ang ating mga lakad, at manumbalik sa Panginoon. Igawad natin ang ating puso sangpu ng ating mga kamay sa Dios sa langit. Kami ay sumalangsang at nanghimagsik; ikaw ay hindi nagpatawad. Tinakpan mo ang iyong sarili ng galit at hinabol mo kami; ikaw ay pumatay, ikaw ay hindi naawa. Tinakpan mo ang iyong sarili ng alapaap, na anopa't hindi makadaan ang anomang panalangin. Iyong ginawa kaming parang tapon at dumi sa gitna ng mga bayan. Ibinukang maluwang ng lahat naming kaaway ang kanilang bibig laban sa amin.
Mga Panaghoy 3:22-46 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Pag-ibig mo, Yahweh, ay hindi nagmamaliw; kahabagan mo'y walang kapantay. Ito ay laging sariwa bawat umaga; katapatan mo'y napakadakila. Si Yahweh ay akin, sa kanya ako magtitiwala. Si Yahweh ay mabuti sa mga nananalig at umaasa sa kanya, kaya't pinakamainam ang buong tiyagang umasa sa ating kaligtasang si Yahweh ang may dala. At mabuti sa isang tao na siya'y matutong magtiyaga mula sa kanyang kabataan. Kung siya'y palasapin ng kahirapan, matahimik siyang magtiis at maghintay; siya'y magpakumbabá sa harapan ni Yahweh, at huwag mawalan ng pag-asa. Tanggapin ang lahat ng pananakit at paghamak na kanyang daranasin. Mahabagin si Yahweh at hindi niya tayo itatakwil habang panahon. Bagaman siya'y nagpaparusa, hindi naman nawawala ang kanyang pag-ibig. Hindi niya ikatutuwang tayo'y saktan o pahirapan. Hindi nalilingid kay Yahweh kung naghihirap ang ating kalooban, maging ang ating karapatan, kung tayo'y pagkaitan. Kung ang katarungan ay hayagang tinutuya, siguradong si Yahweh ay hindi magpapabaya. Walang anumang bagay na mangyayari, nang hindi sa kapahintulutan ni Yahweh. Nasa kapangyarihan ng Kataas-taasang Diyos ang masama at mabuti. Bakit tayo magrereklamo kapag tayo'y pinaparusahan kung dahil naman ito sa ating mga kasalanan? Siyasatin nati't suriin ang ating pamumuhay, at tayo'y manumbalik kay Yahweh! Dumulog tayo sa Diyos at tayo'y manalangin: “Kami'y nagkasala at naghimagsik, at hindi mo kami pinatawad. “Sa iyong matinding galit ay hinabol mo kami at walang awang pinatay. Ang galit mo'y tila makapal na ulap na hindi malampasan ng aming mga dalangin. Ginawa mo kaming tambakan ng kasamaan ng sanlibutan. “Kinukutya kami ng aming mga kaaway
Mga Panaghoy 3:22-46 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)