At sumagot si Job, at sinabi, “Napakalaki ng tulong mo sa kanya na walang kapangyarihan! Iniligtas mo ang kamay na walang kalakasan! Napakabuti ng payo mo sa kanya na walang karunungan, at saganang ipinahayag mo ang mabuting kaalaman! Sa kaninong tulong na ang mga salita'y iyong binigkas? At kaninong espiritu ang sa iyo'y lumabas? Ang mga lilim ay nangangatal, at ang nasa ilalim ng tubig, pati ang mga doon ay naninirahan. Hubad sa harapan ng Diyos ang Sheol, walang saplot ang Abadon. Iniuunat niya ang hilaga sa ibabaw ng walang laman, at ibinibitin ang daigdig sa kawalan.
Basahin JOB 26
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng Bersyon: JOB 26:1-7
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas