Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

JOB 26

26
Walang Matuwid sa Paningin ng Diyos
1At sumagot si Job, at sinabi,
2“Napakalaki ng tulong mo sa kanya na walang kapangyarihan!
Iniligtas mo ang kamay na walang kalakasan!
3Napakabuti ng payo mo sa kanya na walang karunungan,
at saganang ipinahayag mo ang mabuting kaalaman!
4Sa kaninong tulong na ang mga salita'y iyong binigkas?
At kaninong espiritu ang sa iyo'y lumabas?
5Ang mga lilim ay nangangatal,
at ang nasa ilalim ng tubig, pati ang mga doon ay naninirahan.
6Hubad sa harapan ng Diyos ang Sheol,
walang saplot ang Abadon.
7Iniuunat niya ang hilaga sa ibabaw ng walang laman,
at ibinibitin ang daigdig sa kawalan.
8Ibinabalot niya ang tubig sa kanyang makapal na ulap,
at ang ulap ay hindi nito napupunit.
9Kanyang tinatakpan ang mukha ng kabilugan ng buwan,
at inilaladlad ang kanyang mga ulap sa ibabaw niyon.
10Siya'y gumuhit ng bilog sa ibabaw ng katubigan,
sa hangganan ng liwanag at kadiliman.
11Ang mga haligi ng langit ay nayayanig,
at natitigilan sa kanyang saway.
12Pinatahimik niya ang dagat sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan,
at sa kanyang kaunawaan ay kanyang ibinuwal ang Rahab.
13Sa pamamagitan ng kanyang espiritu#26:13 o malakas na hangin. gumanda ang kalangitan;
ang tumatakas na ahas ay sinaksak ng kanyang kamay.
14Narito, ang mga ito ay mga gilid lamang ng kanyang mga daan;
at napakahinang bulong lamang ang sa kanya'y ating napapakinggan!
Ngunit sinong makakaunawa sa kulog ng kanyang kapangyarihan?”

Kasalukuyang Napili:

JOB 26: ABTAG01

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in