Job 26:1-7
Job 26:1-7 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Tumugon naman si Job, “Malaking tulong ka sa akin na isang mahina! Sa palagay mo'y sumasaklolo ka sa akin na taong kawawa? Ang walang nalalaman ay iyo bang tinuruan, at ang tao bang hangal ay binigyan ng karunungan? Sino kayang makikinig sa sinasabi mo? At sino bang espiritu ang nag-udyok na sabihin ito?” Ang sagot ni Bildad, “Sa takot ay nanginginig maging ang kalaliman, ganoon din itong dagat at ang doo'y naninirahan. Ang daigdig ng mga patay, lantad sa mata ng Diyos. Sa paningin niya'y walang maikukubling lubos. Ang kalawakan sa hilaga ay kanyang inilagay, ibinitin niya ang daigdig sa gitna ng kawalan.
Job 26:1-7 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Sumagot si Job, “Ang akala mo baʼy natulungan mo ang walang kakayahan at nailigtas ang mahihina? Ang akala mo baʼy napayuhan mo ang kapos sa karunungan sa pamamagitan ng iyong karunungan? Saan ba nanggaling ang mga sinasabi mong iyan? Sinong espiritu ang nagturo sa iyo na sabihin iyan? “Nanginginig sa takot ang mga patay sa kinalalagyan nila sa ilalim ng tubig. Lantad sa paningin ng Diyos ang lugar ng mga patay. Hindi maitatago ang lugar ng kapahamakan. Inilatag ng Diyos ang kalawakan sa hilaga at ibinitin ang mundo sa kawalan.
Job 26:1-7 Ang Biblia (TLAB)
Nang magkagayo'y sumagot si Job, at nagsabi, Paano mong tinulungan siya na walang kapangyarihan! Paano mong iniligtas ang kamay na walang lakas! Paano mong pinayuhan siya na walang karunungan, at saganang ipinahayag mo ang mabuting kaalaman! Kanino mo binigkas ang mga salita? At kanino ang diwa na lumabas sa iyo? Ang mga patay ay nanginginig sa ilalim ng tubig, at ang mga nananahan doon. Ang Sheol ay hubad sa harap ng Dios, at ang Abaddon ay walang takip. Kaniyang iniuunat ang hilagaan sa pagitang walang laman, at ibinibitin ang lupa sa wala.
Job 26:1-7 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Tumugon naman si Job, “Malaking tulong ka sa akin na isang mahina! Sa palagay mo'y sumasaklolo ka sa akin na taong kawawa? Ang walang nalalaman ay iyo bang tinuruan, at ang tao bang hangal ay binigyan ng karunungan? Sino kayang makikinig sa sinasabi mo? At sino bang espiritu ang nag-udyok na sabihin ito?” Ang sagot ni Bildad, “Sa takot ay nanginginig maging ang kalaliman, ganoon din itong dagat at ang doo'y naninirahan. Ang daigdig ng mga patay, lantad sa mata ng Diyos. Sa paningin niya'y walang maikukubling lubos. Ang kalawakan sa hilaga ay kanyang inilagay, ibinitin niya ang daigdig sa gitna ng kawalan.
Job 26:1-7 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Nang magkagayo'y sumagot si Job, at nagsabi, Paano mong tinulungan siya na walang kapangyarihan! Paano mong iniligtas ang kamay na walang lakas! Paano mong pinayuhan siya na walang karunungan, At saganang ipinahayag mo ang mabuting kaalaman! Kanino mo binigkas ang mga salita? At kanino ang diwa na lumabas sa iyo? Ang mga patay ay nanginginig Sa ilalim ng tubig, at ang mga nananahan doon. Ang Sheol ay hubad sa harap ng Dios, At ang Abaddon ay walang takip. Kaniyang iniuunat ang hilagaan sa pagitang walang laman, At ibinibitin ang lupa sa wala.