Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

JOB 24:22-24

JOB 24:22-24 ABTAG01

Ngunit pinahahaba ng Diyos ang buhay ng malakas sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan; sila'y bumabangon ngunit walang katiyakan sa buhay. Pinagkakalooban niya sila ng katiwasayan, at sila'y inaalalayan; at ang kanyang mga mata ay nasa kanilang mga daanan. Sila'y itinaas nang ilang sandali, at pagkatapos ay wala na. At sila'y nalalanta at kumukupas na gaya ng lahat ng mga iba, sila'y pinuputol na gaya ng mga uhay.