Job 24:22-24
Job 24:22-24 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Winawasak ng Diyos ang buhay ng malalakas; kapag siya ay kumilos, ang masama'y nagwawakas. Hayaan man ng Diyos na mabuhay ito nang tiwasay, sa bawat sandali, siya'y nagbabantay. Umunlad man ang masama, ngunit panandalian lamang, natutuyo ring tulad ng damo at halaman, parang bungkos ng inani na binunot sa taniman.
Job 24:22-24 Ang Salita ng Dios (ASND)
“Sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Dios, ibabagsak niya ang mga taong makapangyarihan. Kahit na malakas sila, walang katiyakan ang buhay nila. Maaaring hayaan sila ng Dios na mamuhay na walang panganib, pero binabantayan niya ang lahat ng kilos nila. Maaari rin silang magtagumpay, pero sandali lang iyon dahil hindi magtatagal ay mawawala sila na parang bulaklak na nalalanta o parang uhay na ginapas.
Job 24:22-24 Ang Biblia (TLAB)
Inaagawan naman ng Dios ang may kaya sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan: siya'y bumabangon na walang katiwasayan sa buhay. Pinagkakalooban sila ng Dios na malagay sa katiwasayan, at sila'y nagpapahinga roon; at ang kaniyang mga mata ay nasa kanilang mga lakad. Sila'y nangataas, gayon ma'y isang sandali pa, at sila'y wala na. Oo, sila'y nangababa, sila'y nangaalis sa daan na gaya ng lahat ng mga iba, at nangaputol na gaya ng mga uhay.
Job 24:22-24 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Winawasak ng Diyos ang buhay ng malalakas; kapag siya ay kumilos, ang masama'y nagwawakas. Hayaan man ng Diyos na mabuhay ito nang tiwasay, sa bawat sandali, siya'y nagbabantay. Umunlad man ang masama, ngunit panandalian lamang, natutuyo ring tulad ng damo at halaman, parang bungkos ng inani na binunot sa taniman.
Job 24:22-24 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Inaagawan naman ng Dios ang may kaya sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan Siya'y bumabangon na walang katiwasayan sa buhay. Pinagkakalooban sila ng Dios na malagay sa katiwasayan, at sila'y nagpapahinga roon; At ang kaniyang mga mata ay nasa kanilang mga lakad. Sila'y nangataas, gayon ma'y isang sandali pa, at sila'y wala na. Oo, sila'y nangababa, sila'y nangaalis sa daan na gaya ng lahat ng mga iba, At nangaputol na gaya ng mga uhay.