Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

JOB 13:20-28

JOB 13:20-28 ABTAG01

Dalawang bagay lamang ang ipagkaloob mo sa akin, kung magkagayo'y hindi ako magkukubli sa iyong mukha: iurong mo nang malayo sa akin ang kamay mo; at huwag akong takutin ng sindak sa iyo. Kung magkagayo'y tumawag ka, at ako'y sasagot; o papagsalitain mo ako, at sa akin ikaw ay sumagot. Ilan ang aking mga kasamaan at mga kasalanan? Ipakilala mo sa akin ang aking pagsalangsang at ang aking kasalanan. Bakit mo ikinukubli ang iyong mukha, at itinuturing mo akong iyong kaaway? Iyo bang tatakutin ang isang dahong pinapaspas ng hangin, at ang tuyong ipa ay iyo bang hahabulin? Sapagkat ikaw ay sumusulat laban sa akin ng mapapait na bagay, at ipinamamana mo sa akin ang mga kasamaan ng aking kabataan. Iyo ring inilalagay ang aking mga paa sa kadenahan, at minamanmanan mo ang lahat kong daan, ikaw ay naglalagay ng hangganan sa aking talampakan. Bagaman ako'y parang bagay na bulok na natutunaw, na parang damit na kinakain ng bukbok.