Job 13:20-28
Job 13:20-28 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Dalawang bagay lamang ang huwag mong gawin sa akin, Kung magkagayo'y hindi ako magkukubli sa iyong mukha: Iurong mo ng malayo ang iyong kamay sa akin; At huwag akong takutin ng pangingilabot sa iyo. Kung magkagayo'y tumawag ka, at ako'y sasagot; O papagsalitain mo ako, at sumagot ka sa akin. Ilan ang aking mga kasamaan at mga kasalanan? Ipakilala mo sa akin ang aking pagsalangsang at ang aking kasalanan. Bakit ikinukubli mo ang iyong mukha, At inaari mo akong iyong kaaway? Iyo bang pangingilabutin ang isang dahong pinapaspas ng hangin? At iyo bang hahabulin ang dayaming tuyo? Sapagka't ikaw ay sumusulat ng mga mabigat na bagay laban sa akin, At ipinamamana mo sa akin ang mga kasamaan ng aking kabataan: Iyo ring inilalagay ang aking mga paa sa pangawan, At pinupuna mo ang lahat kong landas: Ikaw ay gumuguhit ng isang guhit sa palibot ng mga talampakan ng aking mga paa: Bagaman ako'y parang bagay na bulok na natutunaw, Na parang damit na kinain ng tanga.
Job 13:20-28 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Mayroon akong dalawang kahilingan, at ako'y di magtatago kung iyong papayagan. Itigil mo na itong pagpaparusa sa akin, at sa takot ay huwag mo akong patayin. “Magsalita ka, at aking tutugunin, o kaya'y sagutin mo ang aking sasabihin. Saan ba ako nagkamali, ano ba ang aking kasalanan? Pagkakasala ko'y maaari ko bang malaman? “Bakit ako'y iyong pinagtataguan? Bakit itinuturing mo akong isang kaaway? Para akong isang dahon, huwag mo na akong takutin, ang katulad ko'y ipa, na tinatangay ng hangin. Kay pait naman ng iyong mga paratang, kasalanan ko noong ako'y bata iyo pang ibinibilang. Itong aking mga paa'y nilagyan pa ng gapos, tinitingnan, sinusuri ang aking bawat kilos. Kaya't ako'y parang kahoy na nabubulok, parang damit na nasisira, unti-unting nauubos.
Job 13:20-28 Ang Salita ng Dios (ASND)
“O Dios, dalawang bagay lang ang hinihiling ko sa inyo, na kung ibibigay nʼyo sa akin ay hindi na ako magtatago sa inyo: Tigilan nʼyo na ang pagpaparusa sa akin at huwag nʼyo na akong takutin ng mga nakakatakot na parusa ninyo. Kausapin nʼyo ako at sasagot ako, o kayaʼy ako ang magsasalita sa iyo at sagutin nʼyo ako. Anu-ano po ba ang mga nagawa kong pagkakamali at kasalanan? Sabihin nʼyo po sa akin ang aking pagkakamali at mga kasalanan. Bakit umiiwas kayo sa akin at itinuturing nʼyo akong kaaway? Bakit nʼyo ako tinatakot at hinahabol? Para lang akong dahon o tuyong ipa na tinatangay ng hangin. Inililista nʼyo ang mabibigat na paratang laban sa akin at isinasama nʼyo pa ang lahat ng kasalanan ko noong bata pa ako. Para nʼyong ikinadena ang aking mga paa. Bawat hakbang koʼy binabantayan nʼyo, at pati bakas ng paa koʼy sinusundan ninyo. Kaya para na akong isang bagay na nabubulok o isang damit na sinisira ng amag.
Job 13:20-28 Ang Biblia (TLAB)
Dalawang bagay lamang ang huwag mong gawin sa akin, kung magkagayo'y hindi ako magkukubli sa iyong mukha: Iurong mo ng malayo ang iyong kamay sa akin; at huwag akong takutin ng pangingilabot sa iyo. Kung magkagayo'y tumawag ka, at ako'y sasagot; o papagsalitain mo ako, at sumagot ka sa akin. Ilan ang aking mga kasamaan at mga kasalanan? Ipakilala mo sa akin ang aking pagsalangsang at ang aking kasalanan. Bakit ikinukubli mo ang iyong mukha, at inaari mo akong iyong kaaway? Iyo bang pangingilabutin ang isang dahong pinapaspas ng hangin? At iyo bang hahabulin ang dayaming tuyo? Sapagka't ikaw ay sumusulat ng mga mabigat na bagay laban sa akin, at ipinamamana mo sa akin ang mga kasamaan ng aking kabataan: Iyo ring inilalagay ang aking mga paa sa pangawan, at pinupuna mo ang lahat kong landas: ikaw ay gumuguhit ng isang guhit sa palibot ng mga talampakan ng aking mga paa: Bagaman ako'y parang bagay na bulok na natutunaw, na parang damit na kinain ng tanga.
Job 13:20-28 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)