Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

JUAN 5:39-44

JUAN 5:39-44 ABTAG01

Sinasaliksik ninyo ang mga kasulatan sapagkat iniisip ninyo na sa mga iyon ay mayroon kayong buhay na walang hanggan; at iyon ang nagpapatotoo tungkol sa akin. Subalit ayaw ninyong lumapit sa akin upang kayo'y magkaroon ng buhay. Hindi ako tumatanggap ng kaluwalhatiang mula sa mga tao. Subalit nalalaman ko na ang pag-ibig ng Diyos ay wala sa inyo. Naparito ako sa pangalan ng aking Ama at hindi ninyo ako tinanggap. Kung iba ang pumarito sa kanyang sariling pangalan, iyon ang inyong tatanggapin. Paano kayo mananampalataya gayong tumatanggap kayo ng kaluwalhatian mula sa isa't isa at hindi ninyo hinahanap ang kaluwalhatiang mula sa tanging Diyos?

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya