Sinasaliksik nʼyo ang Kasulatan sa pag-aakala na sa pamamagitan nitoʼy magkakaroon kayo ng buhay na walang hanggan. Ang Kasulatan mismo ang nagpapatotoo tungkol sa akin, pero ayaw ninyong lumapit sa akin upang magkaroon ng buhay na walang hanggan. “Hindi ko hinahangad ang papuri ng mga tao. Kilala ko talaga kayo at alam kong wala sa mga puso ninyo ang pagmamahal sa Dios. Naparito ako sa pangalan ng aking Ama, ngunit ayaw ninyo akong tanggapin. Pero kung may dumating sa sarili niyang pangalan ay tinatanggap ninyo siya. Paano kayo sasampalataya sa akin kung ang papuri lang ng kapwa ang hangad ninyo, at hindi ang papuri ng nag-iisang Dios?
Basahin Juan 5
Makinig sa Juan 5
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Juan 5:39-44
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas