Juan 5:39-44
Juan 5:39-44 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Sinasaliksik ninyo ang mga Kasulatan sa paniwalang doon ninyo matatagpuan ang buhay na walang hanggan. Ang mga Kasulatang iyan ang nagpapatotoo tungkol sa akin! Ngunit ayaw naman ninyong lumapit sa akin upang kayo'y magkaroon ng buhay. “Hindi ako naghahangad ng parangal ng tao. Subalit kilala ko kayo; alam kong wala sa inyo ang pag-ibig ng Diyos. Naparito ako sa pangalan ng aking Ama, subalit ayaw ninyo akong tanggapin. Kung may ibang pumarito sa kanyang sariling pangalan, ito'y inyong tatanggapin. Ang hinahangad ninyo'y ang papuri ng isa't isa at hindi ang papuri na nanggagaling sa iisang Diyos; paano kayo maniniwala sa akin?
Juan 5:39-44 Ang Salita ng Dios (ASND)
Sinasaliksik nʼyo ang Kasulatan sa pag-aakala na sa pamamagitan nitoʼy magkakaroon kayo ng buhay na walang hanggan. Ang Kasulatan mismo ang nagpapatotoo tungkol sa akin, pero ayaw ninyong lumapit sa akin upang magkaroon ng buhay na walang hanggan. “Hindi ko hinahangad ang papuri ng mga tao. Kilala ko talaga kayo at alam kong wala sa mga puso ninyo ang pagmamahal sa Dios. Naparito ako sa pangalan ng aking Ama, ngunit ayaw ninyo akong tanggapin. Pero kung may dumating sa sarili niyang pangalan ay tinatanggap ninyo siya. Paano kayo sasampalataya sa akin kung ang papuri lang ng kapwa ang hangad ninyo, at hindi ang papuri ng nag-iisang Dios?
Juan 5:39-44 Ang Biblia (TLAB)
Saliksikin ninyo ang mga kasulatan, sapagka't iniisip ninyo na sa mga yaon ay mayroon kayong buhay na walang hanggan; at ang mga ito'y siyang nangagpapatotoo tungkol sa akin. At ayaw kayong magsilapit sa akin, upang kayo'y magkaroon ng buhay. Hindi ako tumatanggap ng kaluwalhatiang mula sa mga tao. Datapuwa't nakikilala ko kayo, na kayo'y walang pagibig ng Dios sa inyong sarili. Naparito ako sa pangalan ng aking Ama, at ayaw ninyo akong tanggapin: kung iba ang pumarito sa kaniyang sariling pangalan, ay siya ninyong tatanggapin. Paanong kayo'y makapananampalataya, kayong nangagtatanggapan sa isa't isa ng kaluwalhatian at hindi ninyo pinaghahanap ang kaluwalhatiang nanggagaling sa tanging Dios?
Juan 5:39-44 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Sinasaliksik ninyo ang mga Kasulatan sa paniwalang doon ninyo matatagpuan ang buhay na walang hanggan. Ang mga Kasulatang iyan ang nagpapatotoo tungkol sa akin! Ngunit ayaw naman ninyong lumapit sa akin upang kayo'y magkaroon ng buhay. “Hindi ako naghahangad ng parangal ng tao. Subalit kilala ko kayo; alam kong wala sa inyo ang pag-ibig ng Diyos. Naparito ako sa pangalan ng aking Ama, subalit ayaw ninyo akong tanggapin. Kung may ibang pumarito sa kanyang sariling pangalan, ito'y inyong tatanggapin. Ang hinahangad ninyo'y ang papuri ng isa't isa at hindi ang papuri na nanggagaling sa iisang Diyos; paano kayo maniniwala sa akin?
Juan 5:39-44 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)