Kaya't akin siyang aakitin, at dadalhin siya sa ilang, at malambing ko siyang kakausapin. At doon ko ibibigay sa kanya ang kanyang mga ubasan, at gagawin kong pintuan ng pag-asa ang Libis ng Acor. Siya'y aawit doon, gaya ng mga araw ng kanyang kabataan, at gaya ng araw nang siya'y umahon mula sa lupain ng Ehipto. Sa araw na iyon, sabi ng PANGINOON, tatawagin mo akong “Asawa ko;” at hindi mo na ako tatawaging, “Baal ko!” Sapagkat aking aalisin ang mga pangalan ng mga Baal sa kanyang bibig, at sila'y hindi na babanggitin pa sa pamamagitan ng kanilang pangalan. Sa araw na iyon ay igagawa kita ng pakikipagtipan sa mga hayop sa parang, at sa mga ibon sa himpapawid, at sa mga bagay na gumagapang sa lupa; at aking babaliin ang busog at ang tabak, at patitigilin ko ang digmaan sa lupain, at pahihigain kita nang tiwasay. At gagawin kitang asawa ko magpakailanman; gagawin kitang asawa ko sa katuwiran at sa katarungan, sa tapat na pag-ibig at sa kaawaan. Gagawin kitang asawa ko sa katapatan; at makikilala mo ang PANGINOON.
Basahin HOSEAS 2
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: HOSEAS 2:14-20
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas