Hosea 2:14-20
Hosea 2:14-20 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
“Ngunit masdan mo, siya'y muli kong susuyuin, dadalhin ko sa ilang, kakausapin nang buong giliw. Doon ay ibabalik ko sa kanya ang kanyang mga ubasan, at gagawin kong pinto ng pag-asa ang Libis ng Kaguluhan. Tutugon naman siya tulad noong panahon ng kanyang kabataan, nang siya'y ilabas ko sa lupain ng Egipto.” “At sa araw na iyon,” sabi ni Yahweh, “Ang itatawag mo sa akin ay ‘Aking Asawa,’ at hindi mo na ako tatawaging ‘Aking Baal.’ Sapagkat ipalilimot ko na sa iyo ang mga pangalan ng mga Baal, at hindi na muling ipababanggit ang mga ito. Sa araw na iyon, alang-alang sa iyo, makikipagkasundo ako sa mga hayop sa parang, sa mga ibon sa kalawakan, sa mga nilikhang sa lupa'y gumagapang. Aalisin ko sa lupain ang pana, ang espada at ang digmaan. Upang kayo'y makapagpahingang matiwasay. Ikaw ay magiging aking asawa magpakailanman, Israel; mabubuklod tayo sa katuwiran at katarungan, sa wagas na pag-ibig at sa pagmamalasakit sa isa't isa. Ikaw ay magiging tapat kong asawa, at kikilalanin mong ako nga si Yahweh.”
Hosea 2:14-20 Ang Salita ng Dios (ASND)
“Pero masdan mo, dadalhin ko siya sa ilang at muling liligawan hanggang sa mapaibig ko siyang muli. Pagbalik namin, ibabalik ko sa kanya ang mga ubasan niya, at ang Lambak ng Acor ay gagawin kong daanan na magpapaalala ng magandang kinabukasan. At sasagutin niya ako katulad ng ginawa niya noong panahon ng kanyang kabataan, noong kinuha ko siya sa lupain ng Egipto.” Sinabi ng PANGINOON sa mga Israelita, “Sa araw na iyon ng inyong pagbabalik sa akin, tatawagin ninyo ako na inyong asawa at hindi na ninyo ako tatawaging Baal. Hindi ko na hahayaang banggitin ninyo ang mga pangalan ni Baal. Sa araw na iyon, makikipagkasundo ako sa lahat ng uri ng hayop na huwag nila kayong sasaktan. Aalisin ko sa lupain ng Israel ang lahat ng sandata tulad ng mga pana at espada. At dahil wala nang digmaan, matutulog kayong ligtas at payapa. “Ituturing ko kayong asawa magpakailanman. Gagawin ko sa inyo ang matuwid at tama. Mamahalin ko kayo at kaaawaan. Itatalaga ko sa inyo ang aking sarili nang buong katapatan, at kikilalanin na ninyo ako bilang PANGINOON.
Hosea 2:14-20 Ang Biblia (TLAB)
Kaya't, narito, akin siyang hihikayatin, at dadalhin siya sa ilang, at pagsasalitaan ko siyang may pagaliw. At ibibigay ko sa kaniya ang kaniyang mga ubasan mula roon, at ang libis ng Achor na pinakapintuan ng pagasa; at siya'y sasagot doon, gaya ng mga kaarawan ng kaniyang kabataan, at gaya ng araw na siya'y sumampa mula sa lupain ng Egipto. At mangyayari sa araw na yaon, sabi ng Panginoon, na tatawagin mo akong Ishi, at hindi mo na ako tatawaging Baali. Sapagka't aking aalisin ang mga pangalan ng mga Baal sa kaniyang bibig, at siya'y hindi na babanggitin pa sa pamamagitan ng kanilang pangalan. At sa araw na yaon ay ipakikipagtipan ko sila sa mga hayop sa parang, at sa mga ibon sa himpapawid, at sa mga bagay na nagsisiusad sa lupa: at aking babaliin ang busog at ang tabak, at patitigilin ko ang pagbabaka sa lupain, at akin silang pahihigaing tiwasay. At ako'y magiging asawa mo magpakailan man; oo, magiging asawa mo ako sa katuwiran, at sa kahatulan, at sa kagandahang-loob, at sa mga kaawaan. Magiging asawa mo rin ako sa pagtatapat; at iyong makikilala ang Panginoon.
Hosea 2:14-20 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
“Ngunit masdan mo, siya'y muli kong susuyuin, dadalhin ko sa ilang, kakausapin nang buong giliw. Doon ay ibabalik ko sa kanya ang kanyang mga ubasan, at gagawin kong pinto ng pag-asa ang Libis ng Kaguluhan. Tutugon naman siya tulad noong panahon ng kanyang kabataan, nang siya'y ilabas ko sa lupain ng Egipto.” “At sa araw na iyon,” sabi ni Yahweh, “Ang itatawag mo sa akin ay ‘Aking Asawa,’ at hindi mo na ako tatawaging ‘Aking Baal.’ Sapagkat ipalilimot ko na sa iyo ang mga pangalan ng mga Baal, at hindi na muling ipababanggit ang mga ito. Sa araw na iyon, alang-alang sa iyo, makikipagkasundo ako sa mga hayop sa parang, sa mga ibon sa kalawakan, sa mga nilikhang sa lupa'y gumagapang. Aalisin ko sa lupain ang pana, ang espada at ang digmaan. Upang kayo'y makapagpahingang matiwasay. Ikaw ay magiging aking asawa magpakailanman, Israel; mabubuklod tayo sa katuwiran at katarungan, sa wagas na pag-ibig at sa pagmamalasakit sa isa't isa. Ikaw ay magiging tapat kong asawa, at kikilalanin mong ako nga si Yahweh.”
Hosea 2:14-20 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)