“Ngunit masdan mo, siya'y muli kong susuyuin, dadalhin ko sa ilang, kakausapin nang buong giliw. Doon ay ibabalik ko sa kanya ang kanyang mga ubasan, at gagawin kong pinto ng pag-asa ang Libis ng Kaguluhan. Tutugon naman siya tulad noong panahon ng kanyang kabataan, nang siya'y ilabas ko sa lupain ng Egipto.” “At sa araw na iyon,” sabi ni Yahweh, “Ang itatawag mo sa akin ay ‘Aking Asawa,’ at hindi mo na ako tatawaging ‘Aking Baal.’ Sapagkat ipalilimot ko na sa iyo ang mga pangalan ng mga Baal, at hindi na muling ipababanggit ang mga ito. Sa araw na iyon, alang-alang sa iyo, makikipagkasundo ako sa mga hayop sa parang, sa mga ibon sa kalawakan, sa mga nilikhang sa lupa'y gumagapang. Aalisin ko sa lupain ang pana, ang espada at ang digmaan. Upang kayo'y makapagpahingang matiwasay. Ikaw ay magiging aking asawa magpakailanman, Israel; mabubuklod tayo sa katuwiran at katarungan, sa wagas na pag-ibig at sa pagmamalasakit sa isa't isa. Ikaw ay magiging tapat kong asawa, at kikilalanin mong ako nga si Yahweh.”
Basahin Hosea 2
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Hosea 2:14-20
4 Days
God loves you. Whoever you are, wherever you are in your life, God loves you! In this month, when we celebrate love, don't forget that God's love for you is greater than every other love. In this four day series, immerse yourself in God's love.
15 Araw
Ginamit ng Diyos ang masakit na pag-aasawa ni Hosea bilang isang paglalarawan kung ano ang nararamdaman Niya kapag ang Kanyang mga tao ay hindi tapat sa Kanya, gayunpaman, ipinangako Niya na mamahalin pa rin sila. Araw-araw na paglalakbay sa Hosea habang nakikinig ka sa audio study at nagbabasa ng mga piling talata mula sa salita ng Diyos.
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas