Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

HEBREO 3:7-13

HEBREO 3:7-13 ABTAG01

Kaya't gaya ng sinasabi ng Espiritu Santo, “Ngayon, kung marinig ninyo ang kanyang tinig, huwag ninyong papagmatigasin ang inyong mga puso gaya ng sa paghihimagsik, gaya ng sa araw ng pagsubok sa ilang, na doon ay sinubok ako ng inyong mga ninuno, bagaman nakita nila ang aking mga gawa sa loob ng apatnapung taon. Kaya't nagalit ako sa lahing ito, at aking sinabi, ‘Sila'y laging naliligaw sa kanilang puso, at hindi nila nalaman ang aking mga daan.’ Gaya ng sa aking galit ay aking isinumpa, ‘Hindi sila papasok sa aking kapahingahan.’” Mga kapatid, mag-ingat kayo, na walang sinuman sa inyo ang may pusong masama at walang pananampalataya na naglalayo sa buháy na Diyos. Ngunit magpayuhan kayo sa isa't isa araw-araw, habang ito ay tinatawag na “ngayon,” upang walang sinuman sa inyo ang papagmatigasin ng pagiging madaya ng kasalanan.

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya