Mga Hebreo 3:7-13
Mga Hebreo 3:7-13 Ang Salita ng Dios (ASND)
Kaya gaya ng sinasabi ng Banal na Espiritu: “Kung marinig nʼyo ngayon ang tinig ng Dios, huwag ninyong patigasin ang puso nʼyo, tulad ng ginawa noon ng mga ninuno nʼyo. Naghimagsik sila laban sa Dios at siyaʼy sinubok nila roon sa ilang. Sinabi ng Dios, ‘Sinubok nila ako sa kasamaan nila, kahit na nakita nila ang ginawa ko sa loob ng 40 taon. Kaya galit na galit ako sa henerasyong ito at sinabi ko, “Laging lumalayo ang puso nila sa akin, at ayaw nilang sumunod sa mga itinuturo ko sa kanila.” Kaya sa galit ko, isinumpa kong hindi nila makakamtan ang kapahingahang galing sa akin.’ ” Kaya mga kapatid, mag-ingat kayo at baka maging masama ang puso nʼyo na siyang magpapahina ng pananampalataya nʼyo hanggang sa lumayo kayo sa Dios na buhay. Magpaalalahanan kayo araw-araw habang may panahon pa, para walang sinuman sa inyo ang madaya ng kasalanan na nagpapatigas sa puso nʼyo.
Mga Hebreo 3:7-13 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Kaya't tulad ng sinabi ng Espiritu Santo, “Kapag narinig ninyo ngayon ang tinig ng Diyos, iyang inyong puso'y huwag patigasin, tulad noong maghimagsik ang inyong mga ninuno doon sa ilang, nang subukin nila ako. Ako ay tinukso't doon ay sinubok ng inyong magulang, bagama't nakita nila ang mga ginawa ko sa loob ng apatnapung taon. Kaya't napoot ako sa kanila at sinabi ko, ‘Lagi silang lumalayo sa akin, ang mga utos ko'y ayaw nilang sundin.’ Kaya't sa galit ko, ‘Ako ay sumumpang hindi mararating, ang lupang pangakong aking inilaan.’” Mga kapatid, ingatan ninyong huwag maging masama ang sinuman sa inyo at mawalan ng pananampalataya hanggang sa kanyang talikuran ang Diyos na buháy. Sa halip, magtulungan kayo araw-araw, habang ang panahon ay matatawag pang “ngayon” upang walang sinumang madaya sa inyo at maging alipin ng kasalanan.
Mga Hebreo 3:7-13 Ang Biblia (TLAB)
Gaya nga ng sabi ng Espiritu Santo, Ngayon kung marinig ninyo ang kaniyang tinig, Huwag ninyong papagmatigasin ang inyong mga puso, na gaya ng sa pamumungkahi, Gaya nang sa araw ng pagtukso sa ilang, Na doon ako tinukso ng inyong mga magulang sa pagsubok sa akin, At apat na pung taon na nangakita ang aking mga gawa. Dahil dito'y nagalit ako sa lahing ito, At aking sinabi, Laging sila'y nangagkakamali sa kanilang puso: Nguni't hindi nila nangakilala ang aking mga daan; Ano pa't aking isinumpa sa aking kagalitan, Sila'y hindi magsisipasok sa aking kapahingahan. Magsipagingat kayo, mga kapatid, baka sakaling mayroon sa kanino man sa inyo ng isang pusong masama na walang pananampalataya, na naghihiwalay sa inyo sa Dios na buhay: Nguni't kayo'y mangagpangaralan sa isa't isa araw-araw, samantalang sinasabi, Ngayon; baka papagmatigasin ang sinoman sa inyo ng daya ng kasalanan
Mga Hebreo 3:7-13 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Kaya't tulad ng sinabi ng Espiritu Santo, “Kapag narinig ninyo ngayon ang tinig ng Diyos, iyang inyong puso'y huwag patigasin, tulad noong maghimagsik ang inyong mga ninuno doon sa ilang, nang subukin nila ako. Ako ay tinukso't doon ay sinubok ng inyong magulang, bagama't nakita nila ang mga ginawa ko sa loob ng apatnapung taon. Kaya't napoot ako sa kanila at sinabi ko, ‘Lagi silang lumalayo sa akin, ang mga utos ko'y ayaw nilang sundin.’ Kaya't sa galit ko, ‘Ako ay sumumpang hindi mararating, ang lupang pangakong aking inilaan.’” Mga kapatid, ingatan ninyong huwag maging masama ang sinuman sa inyo at mawalan ng pananampalataya hanggang sa kanyang talikuran ang Diyos na buháy. Sa halip, magtulungan kayo araw-araw, habang ang panahon ay matatawag pang “ngayon” upang walang sinumang madaya sa inyo at maging alipin ng kasalanan.
Mga Hebreo 3:7-13 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)