Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Hebreo 3:7-13

Hebreo 3:7-13 ASND

Kaya gaya ng sinasabi ng Banal na Espiritu: “Kung marinig nʼyo ngayon ang tinig ng Dios, huwag ninyong patigasin ang puso nʼyo, tulad ng ginawa noon ng mga ninuno nʼyo. Naghimagsik sila laban sa Dios at siyaʼy sinubok nila roon sa ilang. Sinabi ng Dios, ‘Sinubok nila ako sa kasamaan nila, kahit na nakita nila ang ginawa ko sa loob ng 40 taon. Kaya galit na galit ako sa henerasyong ito at sinabi ko, “Laging lumalayo ang puso nila sa akin, at ayaw nilang sumunod sa mga itinuturo ko sa kanila.” Kaya sa galit ko, isinumpa kong hindi nila makakamtan ang kapahingahang galing sa akin.’ ” Kaya mga kapatid, mag-ingat kayo at baka maging masama ang puso nʼyo na siyang magpapahina ng pananampalataya nʼyo hanggang sa lumayo kayo sa Dios na buhay. Magpaalalahanan kayo araw-araw habang may panahon pa, para walang sinuman sa inyo ang madaya ng kasalanan na nagpapatigas sa puso nʼyo.