HABAKUK 1
1
Si Habakuk ay Dumaing dahil sa Kawalan ng Katarungan
1Ang pahayag ng Diyos na nakita ni propeta Habakuk.
2O Panginoon, hanggang kailan ako hihingi ng tulong,
at hindi mo papakinggan?
O dadaing sa iyo ng “Karahasan!”
at hindi ka magliligtas?
3Bakit mo hinahayaang makita ko ang kamalian,
at tingnan ang kasamaan?
Ang kasiraan at karahasan ay nasa harapan ko;
paglalaban at pagtatalo ay lumilitaw.
4Kaya't ang batas ay hindi pinapansin,
at ang katarungan ay hindi kailanman nangingibabaw.
Sapagkat pinaliligiran ng masama ang matuwid;
kaya't ang katarungan ay nababaluktot.
Ang Sagot ng Panginoon
5Magmasid#Gw. 13:41 kayo sa mga bansa, at tumingin kayo;
mamangha at magtaka.
Sapagkat ako'y gumagawa ng isang gawain sa inyong mga araw
na hindi ninyo paniniwalaan kapag sinabi sa inyo.
6Sapagkat#2 Ha. 24:2 narito, aking ginigising ang mga Caldeo,
ang malupit at marahas na bansa,
na lumalakad sa kaluwangan ng lupa,
upang sakupin ang mga tahanang hindi kanila.
7Sila'y kakilakilabot at nakakatakot;
ang kanilang katarungan at karangalan ay mula sa kanilang sarili.
8Ang kanilang mga kabayo ay matutulin kaysa mga leopardo,
higit na mababangis kaysa panggabing asong-gubat
at ang kanilang mga mangangabayo ay mabibilis.
Ang kanilang mga mangangabayo ay galing sa malayo;
sila'y lumilipad na parang agila na nagmamadali upang manakmal.
9Silang lahat ay dumarating para sa karahasan;
na may mukhang pasulong.
Kanilang tinitipon ang mga bihag na parang buhangin.
10Kanilang tinutuya ang mga hari,
at ang mga pinuno ay kanilang pinagtatawanan.
Kanilang kinukutya ang bawat tanggulan;
sapagkat kanilang binubuntunan ang lupa at sinasakop ito.
11Pagkatapos ay lalampas sila na parang hangin
at magpapatuloy, mga taong nagkasala,
na ang sarili nilang kapangyarihan ay ang kanilang diyos!
Muling Dumaing si Habakuk
12Di ba ikaw ay mula sa walang hanggan,
O Panginoon kong Diyos, aking Banal?
Kami ay hindi mamamatay.
O Panginoon, iyong itinakda sila sa paghuhukom;
at ikaw, O Malaking Bato, ang nagtatag sa kanila upang magtuwid.
13“Ang iyong mga mata ay malilinis at hindi makakatingin sa kasamaan,”
at hindi makakatingin sa kamalian,
bakit mo minamasdan ang taong masasama,
at tumatahimik ka kapag sinasakmal ng masama
ang taong higit na matuwid kaysa kanya?
14Sapagkat ginagawa mo ang mga tao na gaya ng mga isda sa dagat,
gaya ng mga gumagapang na bagay na walang namumuno.
15Kanyang binubuhat silang lahat sa pamamagitan ng bingwit,
kanyang hinuhuli sila sa kanyang lambat,
at kanyang tinitipon sila sa kanyang panghuli,
kaya't siya'y nagagalak at nagsasaya.
16Kaya't siya'y naghahandog sa kanyang lambat,
at nagsusunog ng kamanyang sa kanyang panghuli,
sapagkat sa pamamagitan ng mga iyo'y nabubuhay siya sa karangyaan,
at ang kanyang pagkain ay sagana.
17Patuloy ba niyang aalisan ng laman ang kanyang lambat,
at walang habag na papatayin ang mga bansa magpakailanman?
Kasalukuyang Napili:
HABAKUK 1: ABTAG01
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
©Philippine Bible Society, 2001