HABAKUK 2
2
Ang Sagot ng Panginoon kay Habakuk
1Ako'y tatayo upang magbantay,
at magbabantay ako sa ibabaw ng tore,
at tatanaw upang makita ko kung ano ang kanyang sasabihin sa akin,
at kung ano ang aking isasagot tungkol sa aking daing.
2At ang Panginoon ay sumagot sa akin:
“Isulat mo ang pangitain,
at gawin mong malinaw sa mga tapyas na bato,
upang ang makabasa niyon ay makatakbo.
3Sapagkat#Heb. 10:37 ang pangitain ay naghihintay pa ng panahon nito;
at nagsasalita tungkol sa wakas—hindi ito magsisinungaling.
Kung ito'y parang mabagal ay hintayin mo;
ito'y tiyak na darating, hindi ito maaantala.
4Masdan#Ro. 1:17; Ga. 3:11; Heb. 10:38 mo ang palalo!
Hindi tapat sa kanya ang kaluluwa niya,
ngunit ang matuwid ay mabubuhay sa pamamagitan ng kanyang pananampalataya.
5Bukod dito ang alak#2:5 Sa ibang kasulatan ay kayamanan. ay mandaraya;
ang taong hambog ay hindi mamamalagi sa kanyang tahanan.
Ang kanyang nasa ay parang Sheol,
at siya'y parang kamatayan na hindi masisiyahan.
Kanyang tinitipon para sa kanya ang lahat ng bansa
at tinitipon para sa kanya ang lahat ng bayan.”
6Hindi ba ang lahat ng ito ay magsasalita ng kanilang pagtuya at panlilibak laban sa kanya, at kanilang sabihin,
“Kahabag-habag siya na nagpaparami ng di kanya—
Hanggang kailan ka magpapasan ng mga bagay na mula sa sangla?”
7Hindi ba biglang tatayo ang iyong mga nagpapautang,
at magigising ang mga naniningil sa iyo?
Kung gayon ay magiging samsam ka nila.
8Sapagkat iyong sinamsaman ang maraming bansa,
sasamsaman ka ng lahat ng nalabi sa mga tao,
dahil sa dugo ng mga tao at sa karahasang ginawa sa lupain,
sa mga lunsod at sa lahat ng naninirahan doon.
9Kahabag-habag siya na may masamang pakinabang para sa kanyang sambahayan,
upang kanyang mailagay ang kanyang pugad sa itaas,
upang maligtas sa abot ng kapahamakan!
10Ikaw ay nagbalak ng kahihiyan sa iyong sambahayan,
sa pamamagitan ng pagpatay ng maraming tao,
ikaw ay nagkasala laban sa iyong sarili.
11Sapagkat ang bato ay daraing mula sa pader,
at ang biga mula sa mga kahoy ay sasagot.
12Kahabag-habag siya na nagtatayo ng lunsod sa pamamagitan ng dugo,
at nagtatatag ng bayan sa pamamagitan ng kasamaan!
13Hindi ba mula sa Panginoon ng mga hukbo
na ang mga tao ay gumagawa lamang para sa apoy,
at ang mga bansa ay nagpapakapagod sa walang kabuluhan?
14Sapagkat#Isa. 11:9 ang lupa ay mapupuno
ng kaalaman ng kaluwalhatian ng Panginoon,
gaya ng tubig na tumatakip sa dagat.
15Kahabag-habag siya na nagpapainom sa kanyang kapwa,
na idinadagdag ang iyong kamandag at nilalasing sila,
upang iyong mamasdan ang kanilang kahubaran!
16Ikaw ay mapupuno ng kahihiyan sa halip na kaluwalhatian.
Uminom ka, ikaw, at ilantad ang iyong kahubaran!
Ang kopa sa kanang kamay ng Panginoon
ay darating sa iyo,
at ang kahihiyan ang papalit sa iyong kaluwalhatian!
17Ang karahasang ginawa sa Lebanon ay tatabon sa iyo,
ang pagkawasak sa mga hayop na tumakot sa kanila,
dahil sa dugo ng mga tao at sa karahasan sa lupain,
sa mga lunsod at sa lahat ng naninirahan doon.
18Anong pakinabang sa diyus-diyosan
pagkatapos na anyuan ito ng gumawa niyon,
isang metal na larawan, na tagapagturo ng mga kasinungalingan?
Sapagkat ang manggagawa ay nagtitiwala sa kanyang sariling nilalang
kapag siya'y gumagawa ng mga piping diyus-diyosan!
19Kahabag-habag siya na nagsasabi sa kahoy, Gumising ka;
sa piping bato, Bumangon ka!
Makakapagturo ba ito?
Tingnan ninyo, nababalot ito ng ginto at pilak,
at walang hininga sa loob niyon.
20Ngunit ang Panginoon ay nasa kanyang templong banal;
tumahimik ang buong lupa sa harapan niya!
Kasalukuyang Napili:
HABAKUK 2: ABTAG01
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
©Philippine Bible Society, 2001