EZRA 10
10
Ang Pasiya tungkol sa Magkahalong Pag-aasawa
1Habang si Ezra ay nananalangin at nagpapahayag ng kasalanan na umiiyak at nagpapatirapa sa harapan ng bahay ng Diyos, isang napakalaking pagtitipon ng mga lalaki, mga babae, at mga bata ang nagtipun-tipon sa kanya mula sa Israel; at ang taong-bayan ay umiyak din na may kapaitan.
2At si Shecanias na anak ni Jehiel, isa sa mga anak ni Elam ay nagsalita kay Ezra: “Kami ay nagkasala laban sa ating Diyos at nag-asawa ng mga banyagang babae mula sa mga mamamayan ng lupain, subalit kahit ngayon ay may pag-asa sa Israel sa kabila nito.
3Ngayon ay makipagtipan tayo sa ating Diyos na paalisin ang lahat ng mga asawang ito at ang kanilang mga anak, ayon sa payo ng aking panginoon at ng mga nanginginig sa utos ng ating Diyos; at gawin ito ayon sa kautusan.
4Bumangon ka, sapagkat ito ay gawain mo, at kami ay kasama mo. Magpakalakas ka at gawin mo.”
5Nang magkagayo'y tumindig si Ezra at pinasumpa ang mga namumunong pari, ang mga Levita at ang buong Israel, na kanilang gagawin ang ayon sa sinabi. Kaya't sumumpa sila.
6Pagkatapos ay tumindig si Ezra mula sa harapan ng bahay ng Diyos, at pumasok sa silid ni Jehohanan na anak ni Eliasib, na doon ay nagpalipas siya ng magdamag, at hindi kumain ng tinapay ni uminom man ng tubig, kundi siya'y nanangis dahil sa kataksilan ng mga bihag.
7Ginawa ang isang pahayag sa buong Juda at Jerusalem sa lahat ng mga bumalik na bihag na sila'y magtipun-tipon sa Jerusalem;
8at kung sinuman ay hindi dumating sa loob ng tatlong araw, ayon sa utos ng mga pinuno at ng matatanda, lahat ng kanyang ari-arian ay sasamsamin, at siya mismo ay ititiwalag sa kapulungan ng mga bihag.
9Nang magkagayon, ang lahat ng kalalakihan ng Juda at Benjamin ay nagtipun-tipon sa Jerusalem sa loob ng tatlong araw; noon ay ikasiyam na buwan nang ikadalawampung araw ng buwan. Ang buong bayan ay naupo sa liwasang-bayan sa harapan ng bahay ng Diyos na nanginginig dahil sa bagay na ito at dahil sa malakas na ulan.
10Ang paring si Ezra ay tumayo at sinabi sa kanila, “Kayo'y lumabag at nag-asawa ng mga babaing banyaga, kaya't lumaki ang pagkakasala ng Israel.
11Ngayon nga'y mangumpisal kayo sa Panginoon, sa Diyos ng inyong mga ninuno, at inyong gawin ang kanyang kalooban. Humiwalay kayo sa mga mamamayan ng lupain at sa mga asawang banyaga.”
12Nang magkagayon ang buong kapisanan ay sumagot nang malakas na tinig, “Gayon nga, dapat naming gawin ang ayon sa sinabi mo.
13Ngunit ang mamamayan ay marami, at ngayon ay tag-ulan; kami ay hindi makakatagal sa labas. Ito ay isang gawain na hindi magagawa sa isang araw o dalawa, sapagkat kami ay nakagawa ng napakalaking pagkakasala sa bagay na ito.
14Hayaang tumayo ang aming mga pinuno para sa buong kapisanan, at pumarito sa takdang panahon ang lahat sa aming mga mamamayan na kumuha ng mga asawang banyaga, at pumaritong kasama nila ang matatanda at mga hukom ng lahat ng lunsod, hanggang sa ang mabangis na poot ng aming Diyos tungkol sa bagay na ito ay maiiwas sa amin.”
15Si Jonathan lamang na anak ni Asahel, at si Jaazias na anak ni Tikva ang sumalungat dito, si Mesulam at si Sabetai na Levita ang tumulong sa kanila.
16Gayon ang ginawa ng mga bihag na bumalik. Ang paring si Ezra ay pumili ng mga lalaki, mga puno ng mga sambahayan ng mga ninuno, ayon sa mga sambahayan ng kanilang mga ninuno, bawat isa sa kanila ay itinalaga ayon sa pangalan. Sa unang araw ng ikasampung buwan sila ay umupo upang suriin ang pangyayari.
17At sa pagdating ng unang araw ng unang buwan sila ay dumating sa katapusan ng lahat ng mga lalaking nag-asawa ng mga babaing banyaga.
Ang mga Lalaking may Asawang Banyaga
18Sa mga anak ng mga pari na nag-asawa ng mga babaing banyaga ay natagpuan sina Maasias, Eliezer, Jarib, at Gedalias na mga anak ni Jeshua, na anak ni Jozadak, at ang kanyang mga kapatid.
19Sila'y nangako na hihiwalayan ang kanilang mga asawa; at ang kanilang handog para sa budhing maysala ay isang lalaking tupa mula sa kawan para sa budhing maysala.
20Sa mga anak ni Imer: sina Hanani at Zebadias.
21Sa mga anak ni Harim: sina Maasias, Elias, Shemaya, Jehiel, at Uzias.
22Sa mga anak ni Pashur: sina Elioenai, Maasias, Ismael, Natanael, Jozabad, at Elasa.
23At sa mga Levita: sina Jozabad, Shimei, Kelaia (na siya ring Kelita), Petaya, Juda, at Eliezer.
24Sa mga mang-aawit: si Eliasib; at sa mga bantay-pinto: sina Shallum, Telem, at Uri.
25Sa Israel; sa mga anak ni Paros: sina Ramia, Izzias, Malkia, Mijamin, Eleazar, Hashabias, at Benaya.
26Sa mga anak ni Elam: sina Matanias, Zacarias, Jehiel, Abdi, Jeremot, at Elia.
27Sa mga anak ni Zatu: sina Elioenai, Eliasib, Matanias, Jeremot, Zabad, at Aziza.
28Sa mga anak ni Bebai: sina Jehohanan, Hananias, Zabai, at Atlai.
29Sa mga anak ni Bani: sina Mesulam, Malluc, Adaya, Jasub, Seal, at Ramot.
30Sa mga anak ni Pahat-moab: sina Adna, Cheleal, Benaya, Maasias, Matanias, Besaleel, Binui, at Manases.
31Sa mga anak ni Harim: sina Eliezer, Issia, Malkia, Shemaya, at Simeon;
32Benjamin, Malluc, at Shemarias.
33Sa mga anak ni Hasum: sina Matenai, Matata, Zabad, Elifelet, Jeremai, Manases, at Shimei.
34Sa mga anak ni Bani: sina Maadi, Amram, at Uel;
35Benaya, Bedias, Cheluhi;
36Vanias, Meremot, Eliasib;
37Matanias, Matenai, Jaasai;
38Bani, Binui, Shimei;
39Shelemias, Natan, Adaya;
40Macnadbai, Sasai, Sarai;
41Azarel, Shelemias, Shemarias;
42Shallum, Amarias, at Jose.
43Sa mga anak ni Nebo: sina Jehiel, Matithias, Zabad, Zebina, Jadau, Joel, at Benaya.
44Lahat ng mga ito'y nagsipag-asawa ng mga babaing banyaga, at kanilang pinaalis sila kasama ang kanilang mga anak.
Kasalukuyang Napili:
EZRA 10: ABTAG01
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
©Philippine Bible Society, 2001