Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

NEHEMIAS 1

1
Nagmalasakit si Nehemias sa Jerusalem
1Ang mga salita ni Nehemias na anak ni Hacalias.
Sa buwan ng Chislev, nang ikadalawampung taon, samantalang ako'y nasa Susa na siyang kabisera,#1:1 o palasyo.
2si Hanani, isa sa aking mga kapatid, ay dumating na kasama ang ilang lalaki mula sa Juda. Tinanong ko sila tungkol sa mga Judio na natirang buháy, na nakatakas sa pagkabihag, at tungkol sa Jerusalem.
3Sinabi nila sa akin, “Ang mga natirang buháy sa lalawigan na nakatakas sa pagkabihag ay nasa isang malubhang kalagayan at kahihiyan. Ang pader ng Jerusalem ay wasak at ang mga pintuan nito ay natupok ng apoy.”
4Nang marinig ko ang mga salitang ito, ako'y umupo, umiyak, at tumangis nang ilang araw; at ako'y nagpatuloy sa pag-aayuno at pananalangin sa harapan ng Diyos ng langit.
5Aking sinabi “O, Panginoong Diyos ng langit, ang dakila at kasindak-sindak na Diyos, na nag-iingat ng tipan at ng tapat na pag-ibig sa mga umiibig sa kanya, at nag-iingat ng kanyang mga utos;
6makinig ka sana ngayon at imulat ang iyong mga mata upang makinig sa dalangin ng iyong lingkod, na aking idinadalangin ngayon sa harap mo araw at gabi para sa mga anak ni Israel na iyong mga lingkod. Aking ipinahahayag ang mga kasalanan ng mga anak ni Israel, na aming nagawa laban sa iyo. Ako at ang aking sambahayan ay nagkasala.
7Napakasama ng aming nagawa laban sa iyo, at hindi namin iningatan ang mga utos, mga tuntunin, o ang mga batas na iyong iniutos sa iyong lingkod na si Moises.
8Alalahanin#Lev. 26:33 mo ang salita na iyong iniutos sa iyong lingkod na si Moises, na sinasabi, ‘Kapag kayo'y hindi tapat, ikakalat ko kayo sa lahat ng mga bayan;
9ngunit#Deut. 30:1-5 kung kayo'y manumbalik sa akin, at ingatan ninyo ang aking mga utos at gawin ang mga ito, bagaman ang inyong pagkawatak-watak ay nasa kadulu-duluhang bahagi ng mga langit, aking titipunin sila mula roon at dadalhin ko sila sa lugar na aking pinili upang patirahin doon ang aking pangalan.’
10Ang mga ito ang iyong mga lingkod at ang iyong bayan, na tinubos mo sa pamamagitan ng iyong dakilang kapangyarihan at sa pamamagitan ng iyong malakas na kamay.
11O Panginoon, pakinggan mo nawa ang panalangin ng iyong lingkod na nalulugod na igalang ang iyong pangalan. Pagtagumpayin mo ngayon ang iyong lingkod, at pagkalooban mo siya ng kaawaan sa paningin ng lalaking ito.”
Noon ay tagapagdala ako ng kopa ng hari.

Kasalukuyang Napili:

NEHEMIAS 1: ABTAG01

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in