Ngunit sinabi ni Moises sa PANGINOON, “O Panginoon, ako'y hindi mahusay magsalita, mula pa noon o kahit na mula nang magsalita ka sa iyong lingkod; sapagkat ako'y makupad sa pananalita at umid ang dila.” Sinabi sa kanya ng PANGINOON, “Sino bang gumawa ng bibig ng tao? O sinong gumagawa ng pipi, o bingi, o may paningin, o bulag sa tao? Hindi ba akong PANGINOON? Kaya ngayon ay humayo ka, ako'y sasaiyong bibig at ituturo ko sa iyo kung ano ang iyong sasabihin.” Ngunit kanyang sinabi, “O Panginoon, iba na ang iyong suguin.”
Basahin EXODO 4
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: EXODO 4:10-13
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas