Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Exodus 4:10-13

Exodus 4:10-13 ASND

Sinabi ni Moises, “Panginoon, hindi po ako magaling magsalita. Mula pa man noon, hirap na ako sa pagsasalita, kahit na ngayong nakikipag-usap kayo sa akin. Pautal-utal ako kapag nagsasalita.” Sinabi sa kanya ng PANGINOON, “Sino ba ang gumawa ng bibig ng tao? Sino ba ang may kakayahang gawing bingi o pipi? Sino ba ang nagdedesisyon na makakita o mabulag siya? Hindi ba ako, ang PANGINOON? Kaya lumakad ka, dahil tutulungan kita sa pagsasalita at ituturo ko sa iyo ang mga sasabihin mo.” Pero sinabi ni Moises, “O Panginoon, kung maaari po magpadala na lang kayo ng iba.”

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Exodus 4:10-13