Si Moises ay sumagot at nagsabi, “Ngunit hindi nila ako papaniwalaan o papakinggan man sapagkat kanilang sasabihin, ‘Ang PANGINOON ay hindi nagpakita sa iyo.’” Sinabi naman sa kanya ng PANGINOON, “Ano iyang nasa iyong kamay?” Kanyang sinabi, “Isang tungkod.” Kanyang sinabi, “Ihagis mo sa lupa.” Kanyang inihagis ito sa lupa at ito'y naging isang ahas. Si Moises ay lumayo sa ahas. Sinabi ng PANGINOON kay Moises, “Iunat mo ang iyong kamay at hawakan mo sa buntot.” Kanyang iniunat ang kanyang kamay, kanyang hinawakan, at naging isang tungkod sa kanyang kamay.
Basahin EXODO 4
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: EXODO 4:1-4
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas