Nagtanong si Moises, “Paano po kung hindi maniwala sa akin ang mga Israelita o makinig sa sasabihin ko? Baka sabihin nila na hindi kayo nagpakita sa akin.” Sinabi sa kanya ng PANGINOON, “Ano iyang hawak mo?” Sumagot si Moises, “Baston po.” Sinabi ng PANGINOON, “Ihagis mo sa lupa.” Kaya inihagis ni Moises ang baston at naging ahas ito. Natakot si Moises, kaya napatakbo siya. Sinabi sa kanya ng PANGINOON, “Hulihin mo ito sa buntot.” Kaya hinuli ito ni Moises at muling naging baston.
Basahin Exodus 4
Makinig sa Exodus 4
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Exodus 4:1-4
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas