Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

I MGA HARI 5

5
Tumulong si Haring Hiram sa Pagpapatayo ng Templo
(2 Cro. 2:1-18)
1Si Hiram na hari ng Tiro ay nagsugo ng kanyang mga lingkod kay Solomon nang kanyang nabalitaan na si Solomon ay kanilang binuhusan ng langis upang maging hari na kapalit ng kanyang ama; sapagkat si Hiram ay naging kaibigan ni David.
2Si Solomon ay nagsugo kay Hiram, na sinasabi,
3“Alam mo na si David na aking ama ay hindi nakapagtayo ng bahay para sa pangalan ng Panginoon niyang Diyos dahil sa mga pakikidigma sa palibot niya sa bawat dako, hanggang sa inilagay sila ng Panginoon sa ilalim ng mga talampakan ng kanyang mga paa.
4Ngunit ngayo'y binigyan ako ng Panginoon kong Diyos ng kapahingahan sa bawat dako; wala kahit kaaway, o kasawian man.
5Kaya't#2 Sam. 7:12, 13; 1 Cro. 17:11, 12 layunin kong magtayo ng bahay para sa pangalan ng Panginoon kong Diyos, gaya ng sinabi ng Panginoon kay David na aking ama, ‘Ang iyong anak na aking iluluklok sa iyong trono na kapalit mo ang magtatayo ng bahay para sa aking pangalan.’
6Ngayo'y ipag-utos mo na ipagputol ako ng mga puno ng sedro sa Lebanon; at ang aking mga lingkod ay makakasama ng iyong mga lingkod at babayaran kita ng upa para sa iyong mga tauhan ayon sa iyong itatakda, sapagkat iyong alam na walang sinuman sa amin na nakakaputol ng mga troso na gaya ng mga Sidonio.”
7Nang marinig ni Hiram ang mga salita ni Solomon, siya'y nagalak na mabuti, at nagsabi, “Purihin ang Panginoon sa araw na ito na nagbigay kay David ng isang pantas na anak upang mamahala sa dakilang bayang ito.”
8At si Hiram ay nagsugo kay Solomon, na nagsasabi, “Narinig ko ang mensahe na iyong ipinadala sa akin. Aking gagawin ang lahat ng iyong ninanais tungkol sa troso na sedro at sipres.
9Ibababa ang mga ito ng aking mga lingkod sa dagat mula sa Lebanon, at aking gagawing mga balsa upang dumaan sa dagat hanggang sa dakong iyong ituturo, at aking ipakakalag doon, at iyong tatanggapin; at tutugunan mo ang aking mga nais sa pagbibigay ng pagkain sa aking sambahayan.”
10Sa gayo'y binigyan ni Hiram si Solomon ng lahat ng troso ng sipres na kanyang ninais.
11Binigyan naman ni Solomon si Hiram ng dalawampung libong takal na trigo na pagkain ng kanyang sambahayan, at dalawampung takal na purong langis. Ito ang ibinibigay ni Solomon kay Hiram taun-taon.
12Kaya't binigyan ng Panginoon si Solomon ng karunungan, gaya ng kanyang ipinangako sa kanya; at may kapayapaan sa pagitan ni Hiram at ni Solomon, at silang dalawa'y gumawa ng kasunduan.
13Si Haring Solomon ay nagpataw ng sapilitang paggawa sa buong Israel at ang mga pinatawan ay tatlumpung libong lalaki.
14Kanyang#1 Ha. 12:18 sinugo sila sa Lebanon na sampu-sampung libo bawat buwan na halinhinan: isang buwan sa Lebanon, at dalawang buwan sa sariling bayan; at si Adoniram ang tagapamahala sa mga pinatawan.
15Si Solomon ay mayroon ding pitumpung libong tagabuhat at walumpung libong tagatibag ng bato sa kaburulan,
16bukod pa ang tatlong libo at tatlong daan na mga kapatas ni Solomon sa gawain, na namumuno sa mga taong gumagawa.
17Sa utos ng hari, tumibag sila ng malalaki at mamahaling bato upang ilagay ang saligan ng bahay na may mga batong tinabas.
18Kaya't ang mga tagapagtayo ni Solomon, at ang mga tagapagtayo ni Hiram at ang mga Gebalita ang pumutol at naghanda ng mga kahoy at ng mga bato upang itayo ang bahay.

Kasalukuyang Napili:

I MGA HARI 5: ABTAG01

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in