Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

I MGA HARI 4

4
Ang Kanyang mga Pinuno
1Si Haring Solomon ay hari sa buong Israel,
2at ito ang kanyang mga naging matataas na pinuno: si Azarias na anak ni Zadok, ang pari;
3sina Elioref at Ahia na mga anak ni Sisa ay mga kalihim; si Jehoshafat na anak ni Ahilud ay tagapagtala;
4si Benaya na anak ni Jehoiada ay pinuno ng hukbo; at sina Zadok at Abiatar ay mga pari;
5si Azarias na anak ni Natan ay namamahala sa mga pinuno; at si Zabud na anak ni Natan ay pari at kaibigan ng hari;
6si Ahisar ay katiwala sa kanyang palasyo; at si Adoniram na anak ni Abda ay tagapamahala ng sapilitang paggawa.
Ang Kapangyarihan at Kayamanan ni Solomon
7Si Solomon ay may labindalawang katiwala sa buong Israel at sila ang nagbibigay ng pagkain para sa hari at sa kanyang sambahayan. Bawat isa sa kanila'y nagbibigay ng pagkain sa loob ng isang buwan sa bawat taon.
8Ito ang kanilang mga pangalan: si Ben-hur sa lupaing maburol ng Efraim;
9si Ben-deker sa Macas, Shaalbim, Bet-shemes, at Elon-bet-hanan;
10si Ben-hesed sa Arubot (sa kanya'y nauukol ang Socoh, at ang buong lupain ng Hefer),
11si Ben-abinadab sa buong kataasan ng Dor (na ang asawa'y si Tafat na anak na babae ni Solomon);
12si Baana na anak ni Ahilud sa Taanac, Megido, at sa buong Bet-shan na nasa tabi ng Zaretan, sa ibaba ng Jezreel, mula sa Bet-shan hanggang sa Abel-mehola na may layong hanggang sa dako roon ng Jocmeam;
13si Ben-geber sa Ramot-gilead; (sa kanya ang mga nayon ni Jair na anak ni Manases, na nasa Gilead; samakatuwid ay sa kanya ang lupain ng Argob na nasa Basan, animnapung malalaking lunsod na may mga pader at mga bakod na tanso);
14si Ahinadab, anak ni Iddo sa Mahanaim;
15si Ahimaaz sa Neftali; (siya ang kumuha kay Basemat na anak na babae ni Solomon bilang asawa),
16si Baana na anak ni Husai, sa Aser at sa Bealot;
17si Jehoshafat na anak ni Parua, sa Isacar;
18si Shimei na anak ni Ela, sa Benjamin;
19si Geber na anak ni Uri sa lupain ng Gilead, na lupain ni Sihon na hari ng mga Amoreo, at ni Og na hari ng Basan; at siya lamang ang katiwala sa lupaing iyon.
20Ang Juda at ang Israel ay marami na gaya ng buhangin sa tabi ng dagat sa dami, na nagkakainan, at nag-iinuman, at nagkakatuwaan.
21At#Gen. 15:18; 2 Cro. 9:26 si Solomon ay naghari sa lahat ng mga kaharian mula sa Ilog Eufrates hanggang sa lupain ng mga Filisteo, at hanggang sa hangganan ng Ehipto. Sila'y nagdala ng mga buwis at naglingkod kay Solomon sa lahat ng araw ng kanyang buhay.
22Ang pagkaing panustos ni Solomon sa isang araw ay tatlumpung takal ng magandang uri ng harina, at animnapung takal na harina,
23sampung matatabang baka, dalawampung baka mula sa pastulan, isandaang tupa, bukod pa ang mga usang lalaki at babae, at mga usang masungay, at mga pinatabang hayop na may pakpak.
24Sapagkat sakop niya ang buong lupain sa kanluran ng Ilog Eufrates mula sa Tifsa hanggang sa Gaza, sa lahat ng mga hari sa kanluran ng Ilog Eufrates at siya'y may kapayapaan sa lahat ng mga dako sa palibot niya.
25Ang Juda at ang Israel ay nanirahang tiwasay, ang bawat tao'y nasa ilalim ng kanyang puno ng ubas at sa ilalim ng kanyang puno ng igos, mula sa Dan hanggang sa Beer-seba, sa lahat ng mga araw ni Solomon.
26Si#1 Ha. 10:26; 2 Cro. 1:14; 9:25 Solomon ay mayroon ding apatnapung libong kabayo sa kanyang mga kuwadra para sa kanyang mga karwahe, at labindalawang libong mangangabayo.
27At ipinaghanda ng mga katiwalang iyon si Haring Solomon at ang lahat ng dumudulog sa hapag ni Haring Solomon, bawat isa sa kanyang buwan; hindi nila hinahayaang magkulang ng anuman.
28Nagdala rin sila ng sebada at dayami para sa mga kabayo at sa matutuling kabayo sa mga lugar na kinakailangan ang mga iyon, bawat isa'y ayon sa kanyang katungkulan.
Ang Karunungan ni Solomon
29Binigyan ng Diyos si Solomon ng karunungan, at ng di masukat na pang-unawa at kalawakan ng pag-iisip, gaya ng buhanging nasa tabing-dagat,
30kaya't ang karunungan ni Solomon ay higit pa kaysa karunungan ng lahat ng tao sa silangan at kaysa lahat ng karunungan ng Ehipto.
31Sapagkat#Awit 89 Pamagat higit siyang pantas kaysa lahat ng mga tao; higit na pantas kaysa kay Etan na Ezrahita, kay Heman, kay Calcol, at kay Darda, na mga anak ni Mahol. At ang kanyang katanyagan ay kumalat sa lahat ng mga bansang nakapalibot.
32Nagsalita#Kaw. 1:1; 10:1; 25:1; Aw. ng Aw. 1:1 rin siya ng tatlong libong kawikaan; at ang kanyang mga awit ay isang libo at lima.
33Siya'y nagsalita tungkol sa mga punungkahoy, mula sa sedro na nasa Lebanon hanggang sa isopo na sumisibol sa pader. Siya'y nagsalita rin tungkol sa mga hayop, at sa mga ibon, sa mga gumagapang at sa mga isda.
34At naparoon ang mga taong mula sa lahat ng bayan upang makinig sa karunungan ni Solomon, mula sa lahat ng hari sa daigdig na nakabalita ng kanyang karunungan.

Kasalukuyang Napili:

I MGA HARI 4: ABTAG01

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya