Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Awit 119:105-111

Mga Awit 119:105-111 TLAB

Ang salita mo'y ilawan sa aking mga paa, at liwanag sa aking landas. Ako'y sumumpa, at pinagtibay ko, na aking tutuparin ang mga matuwid mong kahatulan. Ako'y nagdadalamhating mainam: buhayin mo ako, Oh Panginoon, ayon sa iyong salita. Tanggapin mo, isinasamo ko sa iyo, ang mga kusang handog ng aking bibig, Oh Panginoon, at ituro mo sa akin ang mga kahatulan mo. Ang kaluluwa ko'y laging nasa aking kamay; gayon ma'y hindi ko kinalilimutan ang kautusan mo. Ipinaglagay ako ng silo ng masama; gayon ma'y hindi ako lumihis sa iyong mga tuntunin. Ang mga patotoo mo'y inari kong pinakamana magpakailanman; sapagka't sila ang kagalakan ng aking puso.