Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Mga Awit 119:105

Paano Ko Malalaman ang Kalooban ng Diyos?
5 Araw
Ano ba ang kalooban ng Diyos? Lahat tayo ay pinag-isipan na ito sa isang punto ng ating buhay. Kung minsan, habang hinihintay nating malaman kung ano ito, napaparalisa tayo. Ang Biblia ang ating gabay upang magkaroon ng higit pang kaunawaan sa paksang ito. Pag-uusapan natin ang iba't-ibang aspeto ng kalooban ng Diyos sa limang araw na Gabay na ito.

Ang Pinakamahusay na Pamumuhunan Mo!
5 Araw
Ang pagkamit ng isang pinagpala at masaganang pakinabang ay nagsisimula sa paggawa ng tamang pamumuhunan. Kung isa kang bagong Kristiyano, wala nang mas malaki pang pamumuhunan na maaari mong gawin sa iyong pananampalataya kaysa sa regular na pagkain ng Salita ng Diyos. Magsimula dito upang matulungan kang Basahin, Unawain at Ipamuhay ito nang epektibo araw-araw.

Ang Iyong mga Unang Hakbang
5 Araw
Ikaw ay nagpasyang sumunod kay Jesus, ano ang mga susunod na gagawin? Ang gabay na ito ay hindi kumpletong listahan ng lahat ng may kaugnayan sa pasyang iyan, ngunit makakatulong ito sa iyo na gawin ang mga unang hakbang.

Pasko Lamang isang Limang Araw na Babasahing Gabay sa YouVersion tungkol sa Pagbawi sa Kapayapaan ng Pagdiriwang ni Tama Fortner
5 Araw
Magdahan-dahan at damhin ang oras kasama ang Tagapagligtas sa panahong ito. Piliing huminto at magnilay-nilay gaya ng ginawa ni Maria, na mapunosa paghanga sa hiwaga ng Immanuel, ng Diyos na kasama natin. Ngayong taon, hayaan itong maging simpleng Pasko.

Sama-sama: Paghahanap sa Buhay nang Magkakasama
7 Araw
Kapag ikaw ay 18 na, para bang kailangan ay alam mo na kung ano ang iyong magiging buhay. Pero paano kung hindi? Paano kung ang kinalalagyan mo ngayon ay hindi tulad ng iniisip mo noon? Hindi ka nag-iisa. Lutasin natin ang mga pinakamalalaking tanong ng buhay dito sa 7-araw na Gabay sa Biblia ng Collective, isang pag-aaral para sa mga kabataan mula sa Life.Church.

Maligaya & Maliwanag: Pagdiriwang ng Pasko Araw-araw
7 Araw
Mayroong natatangi tungkol sa Pasko na nagpapalabas ng pinakamabuti sa ating lahat. Madalas tayo ay mas mabait, mas mapagbigay, at gumugugol ng mas maraming oras kasama ang mga taong mahal natin. Paano kung hindi ito kailangang magtapos sa Disyembre? Paano kung maaari nating ipagdiwang araw-araw ang Pasko?

Abide: Prayer & Fasting Filipino
7 Araw
Sa simula ng bawat taon, naglalaan tayo ng oras para sa pananalangin at pag-aayuno upang magpakumbaba sa harapan ng Diyos, italaga ang ating sarili sa Kanya, at sama-samang sumang-ayon sa pambihirang tagumpay na ibinibigay Niya. Ngayong taon, pagtutuunan natin ng pansin ang salita ng Diyos. Sa pamamagitan ng Kanyang Salita, nakikilala natin Siya at tayo ay nakakaranas ng pagbabago at nagkakaroon ng kakayahang mamuhay para sa Kanya.

Crave
22 Days
What are you really longing for? A twenty-two day journey to loving God's Word more created by Victory. The longest chapter in the Bible, Psalm 119, talks about the love for God's Word. Journey with us for twenty-two days and let us fall in love with God's Word even more. This daily devotional breaks Psalm 119 into bite-size pieces that are easy to think through and hopefully apply in our lives.