Ilawan sa aking mga paa ang salita mo, at liwanag sa landas ko. Ako'y sumumpa at pinagtibay ko, na aking tutuparin ang matutuwid na mga batas mo. Ako'y lubos na nagdadalamhati, muli mo akong buhayin, O PANGINOON, ayon sa iyong salita. O PANGINOON, ang aking handog na pagpupuri ay tanggapin mo, at ituro mo sa akin ang mga batas mo. Patuloy kong hawak sa kamay ko ang aking buhay, gayunma'y hindi ko kinalilimutan ang iyong kautusan. Ang masama ay naghanda ng bitag para sa akin, gayunma'y hindi ako lumihis sa iyong mga alituntunin. Ang mga patotoo mo'y aking mana magpakailanman; sa aking puso, ang mga ito'y kagalakan.
Basahin MGA AWIT 119
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng Bersyon: MGA AWIT 119:105-111
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas