Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Awit 16:8-11

Mga Awit 16:8-11 MBB05

Alam kong kasama ko siya sa tuwina; hindi ako matitinag pagkat kapiling siya. Kaya't ako'y nagdiriwang, puso't diwa ko'y nagagalak, hindi ako matitinag sapagkat ako'y panatag. Pagkat di mo tutulutang ang mahal mo ay masadlak, sa daigdig ng mga patay at doon ay maagnas. Ituturo mo ang landas na patungo sa buhay, sa piling mo'y madarama ang lubos na kagalakan; ang tulong mo'y nagdudulot ng ligayang walang hanggan.