Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Salmo 16:8-11

Salmo 16:8-11 ASND

PANGINOON palagi ko kayong iniisip, at dahil kayo ay lagi kong kasama, hindi ako matitinag. Kayaʼt nagagalak ang puso ko, at akoʼy panatag, dahil alam kong ligtas ako. Sapagkat hindi nʼyo pababayaan na ang aking kaluluwa ay mapunta sa lugar ng mga patay; hindi nʼyo hahayaang mabulok sa libingan ang matapat nʼyong lingkod. Itinuro nʼyo sa akin ang landas patungo sa buhay na puno ng kasiyahan, at sa piling nʼyo, aking matatagpuan ang ligayang walang hanggan.