Mga Awit 16:8-11
Mga Awit 16:8-11 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Alam kong kasama ko siya sa tuwina; hindi ako matitinag pagkat kapiling siya. Kaya't ako'y nagdiriwang, puso't diwa ko'y nagagalak, hindi ako matitinag sapagkat ako'y panatag. Pagkat di mo tutulutang ang mahal mo ay masadlak, sa daigdig ng mga patay at doon ay maagnas. Ituturo mo ang landas na patungo sa buhay, sa piling mo'y madarama ang lubos na kagalakan; ang tulong mo'y nagdudulot ng ligayang walang hanggan.
Mga Awit 16:8-11 Ang Salita ng Dios (ASND)
PANGINOON palagi ko kayong iniisip, at dahil kayo ay lagi kong kasama, hindi ako matitinag. Kayaʼt nagagalak ang puso ko, at akoʼy panatag, dahil alam kong ligtas ako. Sapagkat hindi nʼyo pababayaan na ang aking kaluluwa ay mapunta sa lugar ng mga patay; hindi nʼyo hahayaang mabulok sa libingan ang matapat nʼyong lingkod. Itinuro nʼyo sa akin ang landas patungo sa buhay na puno ng kasiyahan, at sa piling nʼyo, aking matatagpuan ang ligayang walang hanggan.
Mga Awit 16:8-11 Ang Biblia (TLAB)
Aking inilagay na lagi ang Panginoon sa harap ko: sapagka't kung siya ay nasa aking kanan, hindi ako makikilos. Kaya't ang aking puso ay masaya, at ang aking kaluwalhatian ay nagagalak: ang akin namang katawan ay tatahang tiwasay. Sapagka't hindi mo iiwan ang aking kaluluwa sa Sheol; ni hindi mo man titiisin ang iyong banal ay makakita ng kabulukan. Iyong ituturo sa akin ang landas ng buhay: nasa iyong harapan ang kapuspusan ng kagalakan; sa iyong kanan ay may mga kasayahan magpakailan man.
Mga Awit 16:8-11 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Alam kong kasama ko siya sa tuwina; hindi ako matitinag pagkat kapiling siya. Kaya't ako'y nagdiriwang, puso't diwa ko'y nagagalak, hindi ako matitinag sapagkat ako'y panatag. Pagkat di mo tutulutang ang mahal mo ay masadlak, sa daigdig ng mga patay at doon ay maagnas. Ituturo mo ang landas na patungo sa buhay, sa piling mo'y madarama ang lubos na kagalakan; ang tulong mo'y nagdudulot ng ligayang walang hanggan.
Mga Awit 16:8-11 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Aking inilagay na lagi ang Panginoon sa harap ko: Sapagka't kung siya ay nasa aking kanan, hindi ako makikilos. Kaya't ang aking puso ay masaya, at ang aking kaluwalhatian ay nagagalak: Ang akin namang katawan ay tatahang tiwasay. Sapagka't hindi mo iiwan ang aking kaluluwa sa Sheol; Ni hindi mo man titiisin ang iyong banal ay makakita ng kabulukan. Iyong ituturo sa akin ang landas ng buhay: Nasa iyong harapan ang kapuspusan ng kagalakan; Sa iyong kanan ay may mga kasayahan magpakailan man.