Ang nakakatulad nitong taong mangmang, babaing magaslaw at walang kahihiyan. Lagi siyang naroon sa pinto ng kanyang bahay, o sa lantad na bahagi ng lansangan nitong bayan. Bawat taong nagdaraan na kanyang masulyapan, ay pilit na tatawagin at kanyang aanyayahan, “Lapit dito, kayong lahat na kulang sa kaalaman!” Kanya namang sinasabi sa mga mangmang, “Tubig na ninakaw ay ubod ng tamis, tinapay na nakaw, masarap na labis.” Hindi alam ng biktimang wakas niyo'y kamatayan, at lahat ng pumasok doo'y naroon na sa libingan.
Basahin Mga Kawikaan 9
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Mga Kawikaan 9:13-18
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas