Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Salmo 46:1-4

Salmo 46:1-4 ASND

Ang Dios ang ating kanlungan at kalakasan. Siyaʼy laging nakahandang sumaklolo sa oras ng kagipitan. Kaya huwag tayong matatakot kahit lumindol man, at gumuho ang mga bundok at bumagsak sa karagatan. Humampas man at umugong ang mga alon na naglalakihan, at mayanig ang kabundukan. May ilog na nagbibigay ng kagalakan sa bayan ng Dios, sa banal na tahanan ng Kataas-taasang Dios.