Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Awit 46:1-4

Mga Awit 46:1-4 RTPV05

Ang Diyos ang ating lakas at kanlungan, at handang saklolo kung may kaguluhan. Di dapat matakot, mundo'y mayanig man, kahit na sa dagat ang bundok matangay; kahit na magngalit yaong karagatan, at ang mga burol mayanig, magimbal. (Selah) May ilog ng galak sa bayan ng Diyos, sa banal na templo'y ligaya ang dulot.