Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA AWIT 46:1-4

MGA AWIT 46:1-4 ABTAG01

Ang Diyos ay ating kanlungan at kalakasan, isang handang saklolo sa kabagabagan. Kaya't hindi tayo matatakot bagaman mabago ang lupa, bagaman ang mga bundok ay madulas sa puso ng dagat. bagaman ang tubig nito ay bumula at humugong, bagaman ang mga bundok ay mauga dahil sa unos niyon. (Selah) May isang ilog na ang mga agos ay nagpapasaya sa lunsod ng Diyos, ang banal na tahanan ng Kataas-taasan.