“Magpagawa ka rin ng mesang akasya, na may sukat na 36 na pulgada ang haba, 18 pulgada ang lapad at 27 pulgada ang taas. Balutan mo ito ng purong ginto at lagyan ng hinulmang ginto ang mga paligid nito. Palagyan nʼyo rin ito ng sinepa sa bawat gilid, apat na pulgada ang lapad, at palagyan ng hinulmang ginto ang sinepa. Magpagawa ka rin ng apat na argolyang ginto at ikabit sa apat na sulok ng mesa, malapit sa sinepa. Dito ninyo ipasok ang mga tukod na pambuhat sa mesa. Dapat ay akasya ang tukod at nababalutan ng ginto. “Magpagawa ka rin ng mga pinggan, tasa, banga at mga mangkok na gagamitin para sa handog na inumin. Kailangang purong ginto ang mga ito. At kailangang palaging lagyan ng tinapay na inihahandog sa aking presensya ang mesang ito. “Magpagawa ka rin ng lalagyan ng ilaw na purong ginto ang paa, katawan at mga palamuting hugis bulaklak, na ang ibaʼy buko pa lang at ang ibaʼy nakabuka na. Ang palamuting ito ay dapat kasama nang gagawin ang katawan ng lalagyan ng ilaw. Ang lalagyan ng ilaw ay may anim na sanga, tigtatatlo sa bawat gilid. Ang bawat sanga ay may tatlong lalagyan na hugis bulaklak ng almendro. Ang katawan ng lalagyan ng ilaw ay may apat na palamuting hugis bulaklak ng almendro, na ang ibaʼy buko pa at ang ibaʼy nakabuka na. May isang hugis bulaklak sa ilalim ng bawat pares ng anim na sanga. Ang mga palamuting bulaklak at ang mga sanga ay isang piraso lamang nang hinulma ang lalagyan ng ilaw. “Magpagawa ka ng pitong ilawan at ilagay sa lalagyan nito para mailawan ang lugar sa harapan nito. Ang mga panggupit ng mitsa ng ilaw at mga pansahod ng abo ng ilaw ay dapat purong ginto rin. Ang kailangan mo sa pagpapagawa ng lalagyan ng ilaw at sa lahat ng kagamitan nito ay 35 kilo ng purong ginto. Siguraduhin mong ipapagawa mo ang lahat ng ito ayon sa planong ipinakita ko sa iyo rito sa bundok.
Basahin Exodus 25
Makinig sa Exodus 25
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng Bersyon: Exodus 25:23-40
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas