YouVersion Logo
Search Icon

Simula Ng Iyong Paglago Kay KristoSample

Simula Ng Iyong Paglago Kay Kristo

DAY 4 OF 8

Napuspos ng Banal na Espiritu

Upang maranasan ang pag-ibig at kapatawaran ng Diyos, kailangang ipagtapat mo ang iyong kasalanan kapag naging malinaw ito sa iyo, at muling bumalik sa iyong mapagmahal na Ama sa langit.

Isang kamangha-manghang pagbabago ang nagsimulang maganap mula nang tanggapin mo si Kristo bilang iyong Panginoon at Tagapagligtas.

Ngayon ay sinisimulan mo nang mamuhay bilang isang Kristiyano, na hindi isang pamantayan ng pagganap o isang kodigo ng etika, kundi isang buhay na personal na relasyon sa mapagmahal na Diyos.

Sa kasamaang-palad, hindi lahat ng mananampalataya ay nararanasan ang kapangyarihang mamuhay ayon sa layunin ng Diyos para sa kanilang buhay.

Kung paanong ang ating relasyon sa Diyos ay lubos na nakasalalay sa ginawa ng Diyos sa pamamagitan ni Hesu-Kristo, gayundin ang kapangyarihang mamuhay ng isang dynamicong buhay Kristiyano ay nagmumula rin nang lubos sa Diyos.

Paano Mapuspos ng Banal na Espiritu

Tayo ay napupuspos ng Espiritu sa pamamagitan ng pananampalataya. Tinanggap natin si Kristo sa pamamagitan ng pananampalataya. Lumalakad tayo sa pananampalataya. Lahat ng ating tinatanggap mula sa Diyos, mula sa sandali ng ating espirituwal na kapanganakan hanggang sa ating kamatayan, ay sa pamamagitan ng pananampalataya.

Kahit na tayo ay napupuspos ng Banal na Espiritu sa pamamagitan ng pananampalataya at pananampalataya lamang, mahalagang maunawaan na may ilang salik na tumutulong upang maihanda ang ating puso para sa kapuspusan ng Espiritu.

  1. Unang-una, kailangang maghangad ka at mag-uhaw sa Diyos at naisin na mapuspos ng Banal na Espiritu.
  2. Ikalawa, kailangang maging handa kang isuko ang iyong buhay kay Kristo. Kung iisipin mo kung ano ang ginawa Niya para sa iyo, masyado bang malaki ang hinihiling na ito? “Huwag kayong umayon sa mga gawaing makasanlibutan, kundi magbagong-loob kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong isip. Sa gayon, mauunawaan ninyo ang kalooban ng Diyos—kung ano ang mabuti, kalugud-lugod, at ganap.” (Roma 12:2) Binago ka na ng Diyos sa lahat ng iyong ginagawa at iniisip. Sa ganitong paraan, matututo ka mula sa iyong sariling karanasan kung paano tunay na makakakuntento ang Kanyang mga pamamaraan.
  3. Ikatlo, ipagtapat ang bawat kasalanang ipinaalala sa iyo ng Banal na Espiritu at maranasan ang paglilinis at kapatawaran na ipinangako ng Diyos. (1 Juan 1:9)

Kung taglay natin ang ganitong kapangyarihan at ang ganitong kamalayan kung gaano tayo kamahal ng Diyos, anong mga paraan ang maaaring makaapekto nito sa ating pang-araw-araw na buhay?

Bakit hindi natin laging hinahangad na lumakad sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu?

Ano ang isang hakbang na maaari mong gawin ngayong linggo upang mamuhay sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu?

Day 3Day 5

About this Plan

Simula Ng Iyong Paglago Kay Kristo

Bago ka ba sa iyong relasyon kay Hesus? Ang pagkilala kay Hesus ay ang pinaka-kapanapanabik na relasyon na maaari mong maranasan. Narito ang lugar kung saan ka maaaring magsimula.

More