YouVersion Logo
Search Icon

Simula Ng Iyong Paglago Kay KristoSample

Simula Ng Iyong Paglago Kay Kristo

DAY 1 OF 8

Ang Kasiguraduhan ng Kaligtasan

Maari mong malaman na may sigurado at personal kang relasyon sa Diyos.

Maari kang magkaroon ng kumpiyansa sa iyong bagong relasyon kay Kristo dahil ikaw ay lubos na pinatawad at tinanggap ng Diyos. Tanging ang kamatayan ni Kristo sa krus ang sapat upang maibigay ang tamang relasyon sa Diyos.

Tatlong mahalagang salita sa Efeso 2:8-9 ang nagpapaliwanag sa batayan ng ating pagtanggap sa Diyos:

BIYAYA: Hindi karapat-dapat na pabor, isang hindi pinagpaguran na regalo

Hindi mo karapat-dapat ang relasyon na ito, ni hindi mo ito nakuha sa pamamagitan ng anumang mabuting gawa. Sa halip, ito ay isang libreng regalo mula sa Diyos na iyong tinanggap nang tinanggap mo si Kristo.

NALIGTAS: Nailigtas, nailayo sa kapahamakan

Sinasabi sa Roma 6:23 na ang huling bunga ng kasalanan ay kamatayan. Nang tinanggap mo ang kamatayan ni Kristo sa krus bilang kabayaran sa iyong mga kasalanan, nailigtas ka mula sa walang hanggang kaparusahan … mula sa pagbabayad ng sarili mong kasalanan.

PANANAMPALATAYA: Paniniwala, pagtitiwala, pagsuko ng isipan, saloobin, at kilos

Sa madaling salita, ang pananampalataya ay ang paniniwala o pagtitiwala sa Diyos at sa Kanyang Salita. Nang tinanggap mo si Kristo, inilagay mo ang iyong tiwala kay Kristo at sa Kanyang kamatayan para sa iyong kasalanan. Sa halip na magtiwala sa iyong sariling kakayahan upang makamtan ang pabor ng Diyos, ikaw ngayon ay nagtitiwala na ikaw ay napagkasundo sa Diyos sa pamamagitan ng ginawa ni Kristo para sa iyo.

Pag-unawa sa mga katotohanan tungkol sa iyong bagong relasyon kay Kristo

Pinatawad ni Kristo ang iyong mga kasalanan. (Colosas 1:13, 14)

Nang magtiwala ka kay Kristo para sa kapatawaran ng iyong kasalanan, lahat ng iyong mga kasalanan ay pinatawad … nakaraan, kasalukuyan, at hinaharap. Anong pagbabago ang dulot ng kaalamang ikaw ay napatawad na?

Ginawa kang anak ng Diyos ni Kristo. (Juan 1:12)

Nang tinanggap mo si Kristo, sinimulan mo ang isang mapagmahal na relasyon sa Diyos. Pumasok si Kristo sa iyong buhay at hindi ka Niya iiwan kailanman.

Si Kristo ay pumasok sa iyong buhay at hindi ka Niya iiwan kailanman. (Hebreo 13:5)

Sa anong mga sitwasyon maaaring iwan ka ni Kristo? Ayon dito, ilang beses kailangang tanggapin si Cristo?

Binigyan ka ni Kristo ng bagong buhay. (2 Corinto 5:17)

Nang magtiwala ka kay Kristo bilang iyong Tagapagligtas at Panginoon, sinimulan mo ang isang bagong espirituwal na buhay. Unti-unting bubuuin ng Diyos ang maraming bagong katangian sa iyo habang lumalago ka sa Kanya.

Binigyan ka ni Kristo ng buhay na walang hanggan. (1 Juan 5:11-13)

Ang buhay na walang hanggan ay nakabatay kay Hesu-Kristo. Nagsisimula ang buhay na walang hanggan ng isang tao kapag si Kristo ay nasa kanyang buhay.

Ang mga kamangha-manghang biyayang ito ay ganap na nakabatay kay Hesu-Kristo. Wala sa mga ito ang maaaring pagpaguran. Natanggap mo ang mga ito sa sandaling inilagay mo ang iyong pananampalataya kay Kristo.

Dahil ikaw ay …

  • Nagtitiwala sa kabayaran ni Kristo para sa iyong kasalanan,
  • Nauunawaan ang batayan ng iyong bagong relasyon sa Diyos, at
  • Tinalakay ang limang katotohanan tungkol sa iyong bagong relasyon sa Diyos,

maaari kang magtiwala sa iyong bagong relasyon kay Kristo!

Bakit hindi natin palaging nararanasan ang kasiguraduhan sa ating personal na relasyon sa Diyos? Ano ang isang bagay na maaari mong gawin upang magsimulang makaramdam ng higit na kasiguraduhan?

Day 2

About this Plan

Simula Ng Iyong Paglago Kay Kristo

Bago ka ba sa iyong relasyon kay Hesus? Ang pagkilala kay Hesus ay ang pinaka-kapanapanabik na relasyon na maaari mong maranasan. Narito ang lugar kung saan ka maaaring magsimula.

More