YouVersion Logo
Search Icon

Simula Ng Iyong Paglago Kay KristoSample

Simula Ng Iyong Paglago Kay Kristo

DAY 2 OF 8

Nararanasan ang Pag-ibig at Kapatawaran ng Diyos, Unang Bahagi

Relasyon at Pakikisalamuha sa Diyos

Ang iyong relasyon sa Diyos ay tiyak at ligtas dahil, sa pamamagitan ni Kristo, ikaw ay pinatawad at tinanggap ng Diyos. Bukod sa pagbibigay ng tiyak na relasyong ito, nais din ng Diyos na lumakad kang malapit sa Kanya at makipag-usap sa Kanya sa bawat araw. Ito ang tinatawag na pakikisalamuha o fellowship.

Kapag pinili nating magkasala, ang ating relasyon (ang ating posisyon bilang mga anak ng Diyos) ay hindi naaapektuhan, ngunit ang ating pakikisalamuha ay napuputol.

Relasyon sa Diyos:

  • Nagsimula nang tinanggap mo si Kristo (Juan 1:12)
  • Walang hanggan (1 Pedro 1:3, 4)
  • Pinangangalagaan ng Diyos (Juan 10:27-29)
  • Hindi nagbabago (Hebreo 13:5)

Pakikisalamuha sa Diyos:

  • Nagsimula nang tinanggap mo si Kristo (Colosas 2:6)
  • Maaaring maantala (Awit 32:3-5)
  • Bahagyang pinangangalagaan natin (1 Juan 1:9)
  • Nagbabago kapag tayo ay nagkakasala (Awit 66:18)

Paano mo maaaring patuloy na maranasan ang pakikisalamuha sa Diyos?

Pangangailangan para sa Pag-ibig at Kapatawaran ng Diyos

Ang kasalanan ay isang hadlang para sa parehong Kristiyano at di-Kristiyano. Ang kasalanan ang pumipigil sa ating lahat na maranasan ang pag-ibig ng Diyos. Ngunit marami ang nalilito kung ano talaga ang kasalanan.

Ano ang kasalanan?

Ito ay higit pa sa pandaraya, pagsisinungaling, imoral na asal, at iba pa. Ang mga ito ay resulta lamang ng saloobin ng kasalanan. Ang isang simpleng kahulugan ng kasalanan ay ito: ang paggawa ng gusto natin sa halip na ang nais ng Diyos – sa mga gawa at saloobin.

Ano ang mga bunga ng kasalanan?

  • Para sa mga di-Kristiyano, ang kasalanan ang pumipigil sa isang relasyon sa Diyos. (Roma 3:23). Ang mga hindi naniniwala na sinusubukang mamuhay nang mabuti at moral ay nananatiling hiwalay sa Diyos.
  • Para sa mga Kristiyano, ang kasalanan ang humahadlang sa pakikisalamuha sa Diyos (1 Juan 1:6-8).

Lahat tayo ay nagkakasala. Samakatuwid, ikaw at ako ay parehong kailangang maranasan ang kapatawaran ng Diyos para sa ating mga saloobin at gawa.

Ang Batayan ng Pag-ibig at Kapatawaran ng Diyos

Ang kamatayan ni Kristo ang batayan ng kapatawaran upang tayo ay magkaroon ng tamang relasyon sa Diyos. (1 Pedro 3:18)

Ang kamatayan ni Kristo rin ang batayan ng kapatawaran para sa ating araw-araw na pakikisalamuha sa Diyos. (Colosas 2:13, 14)

Noong panahong isinulat ito, ang “listahan ng mga kasalanan” ay nangangahulugang isang detalyadong talaan na ipinapako sa pintuan ng kulungan. Nakalista rito ang bawat krimen kung saan nahatulan ang bilanggo. Kapag natapos na ang sentensya o nabayaran ang parusa, tinatanggal ng mga awtoridad ang listahan at sinusulatan ng “bayad nang buo.” Ginagamit ito ng bilanggo bilang patunay na hindi na siya maaaring husgahan muli para sa mga krimeng iyon.

Ang mananampalatayang nagtitiwala sa kabayaran ni Kristo para sa kasalanan ay hindi na maaaring husgahan pang muli. Mayroon kang ganap na kapatawaran mula sa Diyos.

Anong pagkakaiba ang maidudulot nito sa iyong pang-araw-araw na buhay na malaman mong ikaw ay lubos na napatawad?

Day 1Day 3

About this Plan

Simula Ng Iyong Paglago Kay Kristo

Bago ka ba sa iyong relasyon kay Hesus? Ang pagkilala kay Hesus ay ang pinaka-kapanapanabik na relasyon na maaari mong maranasan. Narito ang lugar kung saan ka maaaring magsimula.

More