Place of Grace | Isang Debosyonal para sa Semana Santa mula Linggo ng Palaspas hanggang Linggo ng PagkabuhaySample
Ang Huling Hapunan
BASAHIN
Pagdating ng oras ng hapunan, kumain si Jesus at ang kanyang mga apostol. Sinabi ni Jesus sa kanila, “Gustong-gusto kong makasalo kayo sa hapunang ito sa pagdiriwang ng Pista ng Paglampas ng Anghel, bago ako maghirap. Sapagkat sinasabi ko sa inyo na hindi na ako muling kakain nito hanggang sa matupad ang kahulugan nito sa araw ng paghahari ng Diyos.” Pagkatapos, kumuha siya ng inumin, nagpasalamat sa Diyos, at sinabi sa kanila, “Kunin ninyo ito at paghati-hatian. Sinasabi ko sa inyo na hindi na ako muling iinom ng inuming mula sa ubas hanggang sa araw ng paghahari ng Diyos” Pagkatapos, kumuha siya ng tinapay, at matapos magpasalamat sa Diyos ay hinati-hati niya ito at ibinigay sa kanila. Sinabi niya, “Ito ang aking katawan na inihahandog para sa inyo. Gawin ninyo ito bilang pag-alaala sa akin.” Pagkatapos nilang kumain, ganoon din ang ginawa niya sa inumin: kinuha niya ito at nagpasalamat sa Diyos, at sinabi, “Ang inuming ito ang bagong kasunduan na pinagtibay ng dugo kong mabubuhos ng dahil sa inyo.”
LUCAS 22:14–20
PAG-ISIPAN
Tulad ng kung paanong ang iba’t ibang kaganapan sa Semana Santa ay nakakapagpalabas ng iba’t ibang pananaw sa atin, kakaiba rin ang naging tugon nang mga tao sa Israel sa mga nangyayari sa harapan nila. May mga bisitang dumating na galing pa sa malalayo para dumalo sa taunang Pista ng Paglampas ng Anghel. Abala ang mga taga-roon na ayusin ang kanilang mga bahay at maghanda ng pagkain para salubungin ang kanilang mga kapamilya at kaibigan. Ang iba ay abala sa paggamit ng okasyon para sa sarili nilang kabutihan. Ang mga nagtitinda ng mga tupa, kalapati, at alak ay masaya dahil siguro ay tumaas ang presyo ng kanilang mga paninda ng panahon na iyon.
Ito rin yung panahon kung kailan ang mga tao ay seryoso at nagiisip-isip. Sa panahon ng seremonyal na pagsasalo sa Pista ng Paglampas ng Anghel, pinag-iisipan ng mga taga-Israel ang mga ginawang pagsagip sa kanila ng Diyos at nagiging matatag ang pagkakakilanlan nila bilang mga mamamayan ng Diyos. Sa bawat oras na ginagawa nila ang rituwal, iniuugnay nila ang kanilang mga sarili sa henerasyon noong panahon ng Exodus.
Ngunit noon si Jesus ang nagdiwang ng Pista ng Paglampas ng Anghel kasama ang Kanyang mga disipulo, binigyan Niya ng higit na kahulugan ang pasasalo dahil Siya ang tutupad ng Kanyang misyon bilang tunay na Tupa ng kapistahan. Tulad noong makasaysayang Exodus sa Lumang Tipan na tumukoy sa buhay ng mga taga-Israel, pinagtibay ni Cristo ang bagong exodus at Bagong Tipan na muling tutukoy sa mismong pagkakakilanlan at pamumuhay natin. Ito ang dahilan kung bakit sinabihan ni Jesus ang mga disipulo na “Gawin ninyo ito bilang pag-alaala sa Akin.”
Ngayon, akala ng mga tao na ang paggunita ay simpleng pag-alala lamang ng nakaraan. Ngunit ayon sa Bibliya, ang paggunita ay ang pagdadala ng nakaraan sa kasalukuyan at hayaan itong hubugin tayo. Kapag tayo ay nakakaalala, hindi lamang tayo nag-iisip ng isang tao na wala naman doon at nakahiwalay sa atin. Sa halip ay gumagawa tayo ng mga ugnayan nang may pananampalataya at pumapayag na hubugin tayo ng isang tao na kasama natin at nasa atin.
Pinagtibay ni Cristo ang bagong exodus at Bagong Tipan na muling tutukoy sa mismong pagkakakilanlan at pamumuhay natin.
Ngayon, ipinapaalala at muling pinapagtibay ng Huling Hapunan ang bagong pagkakakilanlan at kapalaran ng isang Kristiyano kay Cristo—na tayo ay isang grupo ng tao na tinubos Niya at pinakitaan ng Kanyang labis-labis na biyaya at pagmamahal. At dahil tayo ay tinubos ni Cristo, tayo ay nabibilang sa Kanya at nagiging katulad Niya araw-araw. Ito ang dahilan kung bakit bawat Semana Santa ay maaari tayong magdiwang at magsaya dahil nahahanap natin ang kapahingahan para sa ating mga kaluluwa.
TUMUGON
- Ano ang saloobin ng mga kamag-anak mo tungkol sa Semana Santa? Ano ang mga lagi ninyong ginagawa bilang pamilya o magkakaibigan? Bakit ninyo ito ginagawa?
- Paano nahuhubog ni Cristo ang iyong pagkakakilanlan at pamumuhay? Kanino mo maibabahagi ang iyong personal na kuwento ngayong linggo?
- Ngayong araw habang nagsasalo-salo kayong magkakapamilya, maglaan ng pahanon para manalangin at alalahanin kung ano ang ginawa ni Cristo. Sabay-sabay ninyong pasalamatan Siya para sa Kanyang buhay, sakripisyo, at muling pagkabuhay.
Nothing But the Blood ng Awake84
Scripture
About this Plan
Taun-taon, nagtitipon-tipon ang mga mananampalataya para ipagdiwang ang buhay, kamatayan, at muling pagkabuhay ni Jesu-Cristo. Mula Linggo ng Palaspas hanggang Linggo ng Pagkabuhay, pag-isipan natin kung paano ipinakita ng Diyos ang Kanyang pagmamahal sa sangkatauhan sa pamamagitan ng pagpapadala sa Kanyang Anak upang mamatay sa krus at dalhin tayo sa lugar ng biyaya't pagmamahal na nagbibigay sa atin ng kakayahang ipamuhay ang naging tagumpay ni Cristo.
More