Ang ABKD ng Semana SantaSample
Kasalanan (sin)
Kinabukasan, nakita ni Juan si Jesus na papalapit sa kanya. Sinabi niya sa mga tao, “Narito na ang Tupa ng Dios na ihahandog upang mag-alis ng kasalanan ng mga tao sa mundo!” (Juan 1:19-32)
Ang kasalanan ay anumang pagsuway sa Diyos. Ang unang nagkasala sa sangkatauhan ay sina Adan at Eba kung kaya’t ang mga sumunod na henerasyon ay naging makasalanan na rin.
Anumang kabutihang gawin natin, walang makakapagpabura ng ating mga kasalanan maliban sa sakripisyo ni Hesus sa krus. Ito ang dahilan kung bakit tinawag Siya ni Juan na Tagapagbautismo na “Tupa ng Diyos”; Siya ang banal na sakripisyong makakapagtanggal ng ating mga kasalanan at ang Tanging Daan para tayo’y makatuntong sa langit kapag tayo’y pumanaw na.
Tuwing Semana Santa, ito ang ating ginugunita’t ipinagpapasalamat: dahil sa sakripisyo ni Hesus, maaari na tayong mabuhay sa kalayaang handog ng Panginoon.
Scripture
About this Plan
Ngayong Semana Santa, sabay-sabay nating alalahanin ang sakripisyo ng ating Panginoong Hesus sa krus upang bigyang papuri ang ating Ama sa langit at iligtas ang sangkatauhan sa kasalanan at kamatayan.
More