Ang ABKD ng Semana SantaSample
Banal na Espiritu (Holy Spirit)
Sumagot si Jesus, “Hindi pinahihintulutan ng Ama na malaman ninyo kung kailan mangyayari ang mga bagay na itinakda niya. Ngunit pagdating ng Banal na Espiritu sa inyo, bibigyan niya kayo ng kapangyarihan. At ipapahayag ninyo ang mga bagay tungkol sa akin, mula rito sa Jerusalem hanggang sa buong Judea at Samaria, at hanggang sa buong mundo.” (Mga Gawa 1:7-8)
Ang Banal na Espiritu o Espiritu Santo ay isa sa Tatlong Persona ng Diyos. Ang Kanyang katungkulan ay maging Gabay ng lahat ng mga naniniwala sa Panginoon.
Noong umakyat si Hesus sa langit, pinadala ng Panginoon ang Banal na Espiritu sa Kanyang mga disipulo upang magbibigay karunungan sa atin sa tuwing ating pinagbubulay-bulayan ang Salita ng Diyos. Siya rin ang tagapagbigay ng kaginhawaan sa atin sa araw-araw, lalo na tuwing tayo’y dumaranas ng mga pagsubok.
Sa tuwing tayo naman ay magpapahayag ng Ebanghelyo sa mga hindi pa nakakakilala kay Kristo, ang Banal na Espiritu ang Siyang nangungusap sa mga puso ng tao upang sila ri’y sumampalataya kay Hesus.
Ang sakripisyo ni Hesukristo sa krus ang nagbigay-daan upang makapiling natin sa araw-araw ang ating Panginoon sa pamamagitan ng Banal na Espiritu. Kailanma’y hindi na tayo mag-iisa dahil kapiling natin ang Diyos. Ang katotohanang ito ay karapat-dapat lamang na ipagdiwang at ipagpasalamat, hindi lamang tuwing Semana Santa kundi maging sa araw-araw ng ating mga buhay.
Scripture
About this Plan
Ngayong Semana Santa, sabay-sabay nating alalahanin ang sakripisyo ng ating Panginoong Hesus sa krus upang bigyang papuri ang ating Ama sa langit at iligtas ang sangkatauhan sa kasalanan at kamatayan.
More