YouVersion Logo
Search Icon

Pananampalataya Kay KristoSample

Pananampalataya Kay Kristo

DAY 3 OF 4

MAGTIYAGA. MAGTATAGUMPAY KA

Inisip ko na baka salakayin kami ng mga Filisteo rito sa Gilgal at hindi pa nakakapaghandog sa Panginoon para humingi ng tulong sa kanya. Kaya napilitan akong mag-alay ng handog na sinusunog.” Sinabi ni Samuel, “Kahangalan ang ginawa mo! Hindi mo sinunod ang utos na ibinigay sa iyo ng Panginoon na iyong Dios. Kung sumunod ka lang sana, ang sambahayan mo ang maghahari sa Israel habang panahon. 14 Pero hindi na ito mangyayari dahil nakakita na ang Panginoon ng taong susunod sa kagustuhan niya, at ginawa na siyang pinuno para sa kanyang mga mamamayan, dahil hindi ka sumunod sa utos ng Panginoon.” (1 Samuel 13:12-14)

Minsan sa Michmash, sa silangan ng Beth-aven sa palibot ng mga bundok ng Bethel sa lupain ng Canaan, mayroong tatlumpong libong karo at anim na libong mangangabayo, at mga tao na parang kasingdami ng buhangin na nasa baybayin. Ang malalaking hukbo ng mga Filisteo ay nagpabagabag sa mga Israelita at pinatakbo sila sa pagtatago. Labis na nanginig si Haring Saul at ang mga tao, ngunit kailangan pa nilang maghintay ng pitong araw para sa pagdating ni propeta Samuel sa Gilgal.

Ang sitwasyon ay naging mahirap at lumalalim ang tension habang ang mga tao ay tumakas mula kay Saul. Sa wakas, naisip ni Saul, "Baka salakayin kami ng mga Filisteo rito sa Gilgal at hindi pa nakakapaghandog sa Panginoon." (1 Samuel 13:12a) At si Haring Saul, tulad ng marami sa atin ay nagpasya ayon sa kanyang kaisipan, ay nagsabi, "Dalhin mo rito sa akin ang isang handog na susunugin at mga handog tungkol sa kapayapaan" (talata 9).

Habang nag-aalay si Saul ng mga hain sa Diyos, nagpakita si propeta Samuel at sinaway ang mga ginawa ni Saul. Si Saul, na nagmamadali, ay nagsabi kay Samuel, “Kaya napilitan akong mag-alay ng handog na sinusunog.”. (talata 12b). Dahil sa kawalan ng pasensya ni Saul na maghintay sa tamang panahon ng Diyos, sinabi sa kanya ng propetang si Samuel, “Kahangalan ang ginawa mo! Hindi mo sinunod ang utos na ibinigay sa iyo ng Panginoon na iyong Dios. Kung sumunod ka lang sana, ang sambahayan mo ang maghahari sa Israel habang panahon.” (1 Samuel 13:13).

Magkaroon tayo ng pagtitiis tulad ni Haring Jehoshafat na nagsabi sa Panginoon, "Hindi namin alam kung ano ang gagawin, ngunit ang aming mga mata ay nasa Iyo." (2 Cronica 20:12). Magtiis tayo at bigyan ng pagkakataon ang Diyos na kumilos para sa atin gaya ng sinabi ni Haring Solomon, "Higit na mabuti ang taong mapagpasensya kaysa sa taong makapangyarihan. Higit na mabuti ang taong nakakapagpigil sa sarili kaysa sa taong nakakasakop ng isang lungsod." (Kawikaan 16:32).

Pagninilay:

1. Ano ang iyong gagawin sa iyong pang-araw-araw na buhay, lalo na sa mahihirap na panahon? Paulit-ulit mo bang nakakaligtaan ang mahahalagang sandali sa iyong buhay kung saan dapat mong makita ang pamamagitan ng Diyos?

2. Handa ba tayong matuto mula sa padalus-dalos na aksyon ni Haring Saul na nabanggit dito?

Aplikasyon:

Hayaang ang katangian ng pasensya ang ating maging gabay.

Day 2Day 4